“Seal of Drug-Free Workplace” Regional Assessment, isinagawa

Amas, Kidapawan City I Oktubre 1, 2024 – Malugod na tinanggap ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ngayong Martes ang Regional Assessment Team mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) matapos na maidaos ang pagsisiyasat para sa “Drug-free Workplace Seal Certification Program (DFW-SCP)” sa Governor’s Cottage Provincial Capitol Compound, Amas, Kidapawan City na itinaguyod ng Provincial Human Resources Office (PHRMO) sa pamumuno ni Acting Department Head Reinalyn F. Nicolas.

Ang “Seal of Drug-Free Workplace (DFW)” ay kinikilalang “official symbol” ng DFW Policy Program na isinusulong ng DILG mula pa noong taong 2022. Ang selyong ito na pinagsusumikapang matamo ng tanggapan ni Gov. Mendoza ay iginagawad sa mga opisinang sumusunod sa mga pamantayang itinakda ng pamahalaan upang mapanatiling ligtas at malaya sa droga ang kanilang “workplace.”

Dito inalam ng Regional Assessment Team na binubuo nina Rica Mae Arao mula sa CSC, PMAJ Davis Dulawan ng PNP, Mel Roy Manait ng DILG, Katryn Gaye J. Abad ng PDEA at Magdalena Parreño ng NAPOLCOM ang estado ng mga inisyatibong ipinapatupad ng kapitolyo pati na ang mga “best practices at areas for improvement” nito upang matiyak na ang lahat ng hakbangin laban sa iligal na droga ay lubos na nauunawaan at sinusuportahan ng mga kawani at stakeholders.

Nasa nasabing aktibidad na isinagawa sa governor’s cottage sina Acting DILG Provincial Director Inecita Kionisala, at Provincial Administrator Aurora P. Garcia.

Provincial Drug-free Workplace Committee pati na ang Provincial Drug-free Workplace Assessment Team.//idcd-pgo-frigillana/photoby:WSamillano & phrmo