Amas, Kidapawan City | Oktubre 1, 2024 – Iba’t ibang serbisyong pangkalusugan ang naipaabot sa mga residente ng Brgy. Mapurok sa bayan ng Alamada ngayong araw ng Martes sa isinagawang Serbisyong Totoo Medical-Dental Outreach Program ng pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza.
Nasa 229 katao ang nakabenepisyo sa nasabing programa ng butihing gobernadora na may layuning matulungan ang mga Cotabateño at matugunan ang pangangailangang medikal ng mga ito.
Kalakip dito ang 166 na nag-avail ng medical check-up, 16 na nagpabunot ng ngipin at isang batang lalaki na sumailalim sa tuli. Maliban sa mga nabanggit, nagpaabot din ng serbisyo para sa nutrisyon ang kapitolyo tulad ng pamamahagi ng complementary food packs sa apat na batang may mababang timbang at pagsasagawa ng feeding program.
Ang naturang aktibidad ay pinangasiwaan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa ilalim ng pamamahala ni Dr. Eva C. Rabaya kung saan ipinaabot ng mga doktor at iba pang health care workers ng kapitolyo ang malasakit at serbisyong totoo ng mga ito sa mga benepisyaryo.//idcd-pgo-mombay/PhotobyIPHO//