Deputy speaker at TUCP Partylist Representative Raymond Democrito Mendoza, panauhing pandangal sa ika-70 anibersaryo ng USM

Amas, Kidapawan City| Oktubre 1, 2024- Naging makulay at masaya ang pagtatapos ngayong araw, Oktubre 1, 2024 ng ika-70 Founding Anniversary ng University of Southern Mindanao sa bayan ng Kabacan, Cotabato na dinaluhan ng libo-libong estudyante kasama ang mga guro, university directors, board of regents, at tagapamahala ng naturang unibersidad.

Personal na nakiisa bilang panauhing pandangal sa okasyon si Deputy Speaker at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Representative Raymond Democrito Mendoza na nagpaabot ng kanyang personal na pagbati.

Tiniyak  nito na patuloy na magiging katuwang ng USM ang pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza, 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos at ang TUCP sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon sa Katimugang Mindanao.

Ang aktibidad ay ginanap sa USM Auditorium ng bayan at may temang, ” USM Celebrating the Years of Victories.”  //idcd-pgo-sotto//

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *