Amas, Kidapawan City | Mayo 20, 2024 – Sa pagnanais na mapaunlad ang mga agrikultural na produkto hindi lang sa lalawigan maging sa buong bansa, sunod-sunod na pamamahagi ng binhi at pataba ang isinasagawa ng pamahalaan na malaki ang pakinabang sa mga magiging benepisyaryo nito.
Isa sa ipinapaabot ng pamahalaang nasyunal sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at tanggapan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang “Corn Production Enhancement Program” kung saan abot sa P111M halaga ng pondo ang inilaan ng mga ito para sa mga magsasaka ng mais mula sa lalawigan ng Cotabato.
Kabilang sa mga naging benepisyaryo ng nasabing programa ang 968 “corn farmers” mula sa mga bayan ng Pikit at Aleosan na nakatanggap ng abot sa P12M na halaga ng binhi at pataba nitong Mayo 17, 2024 na makakatulong sa kanilang pagsasaka.
Labis naman ang pasasalamat ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza sa mga programa at proyektong patuloy na ibinababa ng administrasyon ni Pangulong Marcos at mga tanggapan nina DA Secretary Laurel at DA XII Regional Executive Director Roberto T. Perales sa lalawigan ng Cotabato upang matulungan ang sektor ng agrikultura na pangunahing nagsusuplay ng pagkain at hanapbuhay sa mga Cotabateรฑo.
Dumalo naman sa naturang pamamahagi si Provincial Advisory Council (PAC) member Rosalie H. Cabaya bilang kinatawan ni Governor Mendoza. Naroon din ang Corn Program Staff ng DA XII na sina Engr. Monawara Guialudin at Marjun Mamangon, Aleosan Vice Mayor Felimon C. Cayang, Jr., Aleosan Municipal Councilor Arnel Cabaya, Provincial Corn Coordinator Rosalie Sahidsahid at mga kawani mula sa mga lokal na pamahalaan ng mga nabanggit na bayan.//idcd-pgo-mombay/PhotoCreditsOPAg//