Amas, Kidapawan City | Mayo 14, 2024 – Sa layuning maipadama sa mga bulnerableng sektor ng probinsya ang malasakit at pagkalinga ng pamahalaang panlalawigan, tinitiyak ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza na nabibigyang tugon ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Kabilang sa sektor na ito ang Persons With Disability o PWDs sa lalawigan na binibigyang prayoridad at pansin ng gobernadora na nangunguna sa pagsusulong ng kanilang karapatan sa lipunan upang makapamuhay ng normal sa kabila ng kanilang mga kapansanan.
Upang maisakatuparan ang hangaring ito, binibisita ng pamahalaang panlalawigan, partikular na ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa ilalim ng liderato ni Department Head Dr. Eva C. Rabaya, ang mga bayan sa probinsya upang magsagawa ng libreng “physical therapy” at “needs assessment” sa mga Cotabateรฑong napapabilang sa nabanggit na sektor.
Isa sa mga tinungo ng grupo ay ang Brgy. Villarica, Midsayap kung saan may limang (5) pasyente ang nakabenepisyo sa isinagawang konsultasyon at “physical therapy” ng IPHO. Nagkaroon din ng oryentasyon para sa mga “caregivers” ng mga ito kung saan tinalakay ang “home treatment” at “basic exercises” na maaaring gawin ng mga nangangalaga sa mga pasyente.
Pinangunahan ni Physical Therapist Jerica Joy N. Naman ang nasabing assessment kasama si Ruleber Claudio, RN, Non-Communicable Disease (NCD) Program staff mula sa Rural Health Unit ng Midsayap.//idcd-pgo-mombay/PhotoCreditsIPHO//