๐—–๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฏ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ผ, ๐—ง๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ผ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ

Amas,Kidapawan City| Mayo 13, 2024 – Labis na pasasalamat ang ipinaabot ng mga opisyales at residente ng Barangay Paraiso, Tulunan, Cotabato matapos nilang personal na tanggapin ngayong araw ang P4,999,501.82 na halaga ng covered court with bleachers and stage na pinondohan sa ilalim ng 20% Economic Development Fund (EDF) ng pamahalaang panlalawigan.

Ang naturang proyekto ay magagamit na ngayon ng abot sa 265 na pamilyang naninirahan sa lugar na para sa mga opisyales ay malaki ang maitutulong lalo na sa panahon na mayroong mahahalagang okasyon ang barangay. Malaki rin ang magiging gamit nito sa mga paaralang magsasagawa ng mga school activities dahil mayroon itong stage at bleachers.

Sa kanyang naging mensahe, pinaalalahanan ni Governor Mendoza ang mga mamamayan at opisyal ng barangay na ingatan at pahalagahan ang proyektong ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan.

Kasama ng gobernadora sa kanyang pagbisita si Boardmember Joemar Cerebo, mga opisyal mula sa barangay, mga kawani ng Provincial Engineer’s Office sa pangunguna ni Engr. Esperidion Taladro, at iba pang inimbitahang bisita.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//