๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฝ๐—ฟ๐˜‚๐—ฏ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐Ÿญ.๐Ÿฌ๐Ÿฑ๐Ÿญ๐—• ๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—ฏ๐˜‚๐—ฑ๐—ด๐—ฒ๐˜, ๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ฎ๐˜† ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—–๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฒรฑ๐—ผ

Amas, Kidapawan City|Mayo 10, 2024- Kilala si Cotabato Governor Emmylou โ€œLalaโ€ J. Taliรฑo-Mendoza sa pagiging masinop nito lalo na sa pamamahala ng salapi na nagmula sa buwis ng taumbayan. Naniniwala ito na “๐—ด๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ณ๐—ถ๐˜€๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ถ๐˜€ ๐—ฐ๐—ฟ๐˜‚๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ถ๐—ป ๐—ด๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ด๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ,” kung saan bahagi nito ang tamang paglalaan ng pondo, epektibong pagpapatupad ng programa at proyekto, transparensiya, at responsible debt management.

Dahil sa maayos na โ€œfiscal managementโ€ at pamamahala sa kaban ng kapitolyo, makakaasa ngayon ang mamamayan sa lalawigan ng Cotabato ng karagdagang programa at mga proyekto mula sa pamunuan ni Governor Mendoza sa ilalim ng adbokasiya nitong โ€œSerbisyong Totoo.โ€

Ito ay matapos maaprobahan nitong Martes, Mayo 7, 2024 sa ika-86 na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ang Supplemental Budget (SB) #1 for fiscal year 2024 na nagkakahalaga ng abot sa P937,555,404.83 at ang Special Education Fund SB #1 na nagkakahalaga naman ng P113,760,200 na naipasa noong Marso 18, 2024. Ang pondong ito na abot sa P1,051,315,604.83 ay inilaan upang magamit sa pagpapatupad ng mga Serbisyong Totoo programs and projects sa ibaโ€™t ibang bayan at barangay ng lalawigan.

Ayon kay Acting Provincial Budget Officer Cynthia Boston, ang malaking bahagi ng pondo sa SB #1 ay nagmula sa 2023 savings o retained earnings na nagkakahalaga ng P683,466.194.14, P15,523,380 naman ay mula sa transfers, assistance and subsidy, samantalang ang P12,645,520 ay kinuha sa realignment (current appropriations) at ang P225,920,310.69 ay nagmula sa Reversion (continuing appropriations) kung saan kabilang na dito ang P90M na debt service-CY 2019-2023 na inilaan sana ng probinsya para pambayad utang o loans.

Dahil โ€œdebt freeโ€ na ang lalawigan, ang P90M na alokasyon sa ilalim ng reversion o debt free service ay gagamitin ng probinsya sa pagpapatupad ng proyektong pang–imprastraktura na mapapakinabangan ng labimpitong (17) barangay mula sa labing tatlong (13) mga bayan ng lalawigan.

Sa kabilang banda, ang P103,000,00 na bahagi ng P113.7M SEF ay ilalaan sa construction and completion of classroom buildings and covered courts at ang natitirang P10,760,200 ay gagamitin sa pagbili ng 9,782 armchairs.

๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—บ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ธ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ

Samantala, masaya namang ibinalita ni Engr. James Gundaya na siya ngayong Acting Division Head for Planning ng Provincial Engineerโ€™s Office na sa pag-apruba ng SB #1 makakatanggap ng abot sa P884,250,000 na proyektong pang imprastraktura ang sumusunod na mga bayan sa lalawigan na popondohan sa ilalim ng SEF, debt services at support to engineering services : Alamada (P23,500,000); Aleosan (P42,000,000); Midsayap (P69,000,000); Libungan (22,000,000); Pigcawayan (55,000,000); Pikit (P38,000,000); Antipas (P29,000,000); Arakan (P109,000,000); Kidapawan City (P19,000,000); Magpet (105,000,000); Makilala (P41,000,000); President Roxas (P56,000,000); Carmen (28,050,000); Banisilan (P9,000,000); Kabacan (P26,000,000); Mโ€™lang (73,000,000); Matalam (93,700,000); at Tulunan (P46,000,000).

Ayon kay Gundaya, nagsisikap ang kanilang tanggapan na maayos na maipatupad ang mga proyektong pang-imprastraktura na nagsisimula sa metikulusong pagpaplano at ibayong paghahanda upang matiyak na ang kalidad nito ay naaayon sa standard specifications. Dagdag pa nito na nagsisikap ang kanilang tanggapan na maayos na maipatupad ang mga proyektong pang-imprastraktura na nagsisimula sa metikulusong pagpaplano at ibayong paghahanda upang matiyak ang kalidad nito na siyang pangunahing direktiba ni Governor Mendoza sa kanilang tanggapan.

Nagpasalamat naman ang butihing ina ng lalawigan sa suporta ng Sangguniang Panlalawigan, mga kawani ng kapitolyo at mga Cotabateรฑos sa patuloy na tiwala na ipinagkaloob nito sa kanyang administrasyon.

Tiniyak rin nito na patuloy niyang ipapaabot sa lahat ng mamamayan ang serbisyong napapanahon at tutugon sa kanilang pangangailangan.//idcd-pgo-sotto//