Amas, Kidapawan City| Mayo 10, 2024- Masayang tinanggap ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang tsekeng nagkakahalaga ng P50M na gagamitin sa pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niรฑo sa lalawigan ng Cotabato.
Sa pagbisita ni Pangulong Marcos ngayong araw sa Probinsya ng Sultan Kudarat para sa pamamahagi ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks and Families, inihayag nito na ramdam ng kanyang pamunuan ang hirap na pinagdadaanan ng mga magsasaka at mga pamilya nito dahil sa matinding hagupit ng tagtuyot sa nakaraang mga buwan.
Kaya, ayon sa pangulo ay personal niyang binisita ang mga lugar na labis na naapektuhan ng matinding init upang maipaabot ang tulong mula sa kanyang tanggapan na nagkakahalaga ng P10,000 bawat benepisyaryo. Ito ay maliban pa sa ayudang ibibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE), at Technical Education for Skills Development Authority (TESDA).
Labis namang nagpasalamat si Governor Mendoza sa tulong na ipinaabot ng pangulo sa mga farmers and fisherfolks ng lalawigan at sa iba pang suporta na natanggap ng probinsya mula sa pamahalaang nasyunal na malaki ang naiambag sa pangangalaga ng kapakanan at pagsulong ng kaunlaran ng mga Cotabateรฑong higit na nangangailangan.
Matatandaang binisita rin ni Pangulong Marcos ang probinsya noong Abril 29, 2024 upang pormal na pasinayaan ang Malitubog-Maridagao Irrigation Project (MMIP) II na napakinabangan ng higit sa 4,000 na magsasaka at nagbigay ng patubig sa 9,500 ektaryang sakahan sa mga bayan ng Pikit at Aleosan sa lalawigan ng Cotabato, at sa Pagalungan at Maguindanao sa BARMM.
Dumalo rin sa pagtitipon sina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., DSWD Secretary Rex Gatchalian, Special Assistant to the President Anton Lagdameo, TESDA Secretary Suharto Mangudadatu, DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr., mga gobernador at regional directors.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano/