Amas, Kidapawan City | Pebrero 19, 2024 – Pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza ang isinagawang turnover ceremony ng 256 na “stainless steel water tanks with faucet and fittings” ngayong araw na ginanap sa Department of Education (DepEd)-Cotabato Division, Capitol Compound, Amas, Kidapawan City.
Ang nasabing mga water tanks ay pinondohan ng higit sa P14M sa ilalim ng Special Education Fund (SEF) ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato, at ipapamahagi sa mga paaralan sa probinsya na mas nangangailangan nito.
Personal namang nagpaabot ng pasasalamat si Department of Education (DepEd) Cotabato Schools Division Superintendent Romelito G. Flores, CESO V kay Governor Mendoza dahil sa mga programa nito na bahagi ng mga pagsisikap sa paghubog ng talento at katauhan ng mga estudyante, maging ng mga guro sa lalawigan.
Sa kanyang mensahe, inilahad din ni Governor Mendoza na bilang ina ng probinsya, tinitingnan ng kanyang pamunuan sa ilalim ng adbokasiyang “Serbisyong Totoo” ang mga pangunahing pangangailangan ng mga kabataang Cotabateรฑo.
Kaya naman, inaasahan ng gobernadora ang pakikipagtulungan at kooperasyon ng mga guro, magulang maging ng mga lokal na opisyales sa pamahalaang panlalawigan upang maibigay sa kabataan ang mga programa na makakatulong sa pag-abot ng mga pangarap ng mga ito, at upang maging produktibong mamamayan ng probinsya ng Cotabato.
Ang naturang programa ay dinaluhan din nina Cotabato Police Provincial Office (CPPO) Provincial Director PCol Gilberto B. Tuzon, Boardmembers Ivy Martia Lei Dalumpines-Ballitoc at Sittie Eljorie Antao-Balisi, Provincial Youth Development Division Head Laarni Y. Blase at Provincial SK Federation President Karen Michie de Guzman.//idcd-pgo-mombay/PhotobySMNanini//