Sa kabila ng tirik at mainit na sikat ng araw, personal na binisita ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza ang Barangay North Manuangan sa bayan ng Pigcawayan upang iturnover ang Solar Water System na ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan para sa residente ng Purok 2 ng naturang barangay.
Ito na ang pang-apat na barangay na binisita ngayong araw ng butihing gobernadora sa naturang bayan para sa serye ng project turnovers. Ang nabanggit na proyektong patubig ay pinondohan ng abot sa P1,994,949.35 sa ilalim ng 20% Development Fund bilang tugon sa kahilingan ng mga residente at opisyales sa barangay.
Ang pagkakaroon ng malinis na mapagkukunan ng inuming tubig ay itinuturing ngayong biyaya ng 250 na pamilya lalo na at ang suplay ng tubig na kanilang pinagkukunan noong una ay hindi sapat para sa lahat, kaya kailangan pa ng mga residente na sumunod sa itinakdang iskedyul ng water district bago makakuha ng gagamiting tubig.
Labis na pasasalamat naman ang ipinaabot ni Barangay Chairman Neil Sumande sa tanggapan ni Governor Mendoza sa pagtupad nito sa kanyang binitiwang pangako na bibigyan ng proyektong patubig ang kanyang nasasakupan.//idcd-pgo-sotto/PhotobySMNanini//