Amas, Kidapawan City – Pasasalamat ang ipinaabot ng mga kawani ng Provincial Engineerโs Office (PEO) na nakatalaga sa PEO Sub-Office sa Barangay Sadaan, Midsayap, Cotabato dahil mayroon na silang bagong tayong gusali bilang kanilang tanggapan, matapos itong iturnover nitong Enero 12, 2024.
Ang proyekto ay pinondohan ng abot sa P4,990,305.45 ng provincial government upang mas mapabuti pa ang paghahatid ng serbisyo ng PEO sa pamamagitan ng pagbibigay ng dekalidad na proyektong pang-imprastraktura sa unang distrito ng lalawigan.
Tiniyak naman ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza na ang pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ng PEO, ay patuloy na tutugon sa mga problemang pang-imprastraktura tulad ng lubak-lubak na daan, kakulangan ng access sa tubig, elektripikasyon, konstruksyon at rehabilitasyon ng mga gusali at iba pa, lalo na sa malalayong komunidad.
Pinaalalahanan din nito ang mga kawani ng opisina na pagbutihin ang kanilang trabaho dahil ito ay isang pribilehiyo na ipinagkaloob sa kanila na dapat ingatan at alagaan.
Pinuri naman ni Midsayap Municipal Mayor Rolando Sacdalan ang pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan na maipaabot ang serbisyo ng PEO sa bayan ng Midsayap at sa buong unang distrito ng lalawigan.//idcd-pgo-sotto/PhotobySMNanini//