Amas, Kidapawan City | Upang mapanatili at maisulong ang kapayapaan sa buong lalawigan ng Cotabato, tiniyak ng mga opisyal ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP ang kanilang patuloy na pakikiisa sa pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza.
Ito ay matapos bumisita at makipagpulong ngayong araw, Enero 11, 2024 sa gobernadora ang mga opsiyal at miyembro ng naturang organisasyon sa pangunguna ni Provincial Chief Executive Officer Nasser P. Mustapha.
Ayon sa opisyal, kailangan ng mas mahigpit na ugnayan at pagtutulungan ang UBJP at pamahalaang panlalawigan ng Cotabato upang maisagawa at maipatupad ang mga programang makakatulong sa pagpapanatili ng isang maunlad at mapayapang probinsya.
Siniguro rin naman ni Governor Mendoza ang kanyang pakikiisa sa grupo kung saan ipinagpapasalamat din nito ang kanilang kooperasyon upang mapangalagaan ang mamamayang Cotabateรฑo.
Nasa naturang pagpupulong din sina Department of Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Ali B. Abdulah, Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II Atty. Oding B. Yusoph, at PGO-Moro Affairs Focal Person Edris Gandalibo.//PGO-Sopresencia Photoby:WMSamillano//