Amas, Kidapawan City| Enero 8, 2023- Labis na pasasalamat ang ipinaabot ng mga opisyal at residente mula sa apat na mga barangay mula sa bayan ng Mโlang, Cotabato matapos tanggapin ang apat na mahahalagang proyekto mula sa pamahalaang panlalawigan nitong Lunes.
Kabilang sa mga barangay na nabigyan ng proyekto ngayong araw na personal na itinurnover ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos ay ang Barangay New Esperanza na nakatanggap ng Road Concreting Project na may habang 442 meters at nagkakahalaga ng P 4,994,349.08. Barangay New Consolacion na nabiyayaan naman ng worth P1,998,954.10 water system project, Barangay Ugpay na nabigyan ng hanging bridge na kumukonekta sa Brgy. New Kalibo na may alokasyong aabot sa P5,994,923.91 at Barangay Malayan na nakatanggap naman ng proyektong Purok Water System na nagkakahalaga ng P1,995,480.87.
Sa kabuoan, higit kumulang sa P14.98M pondo sa ilalim ng 20% Development Fund ng lalawigan ang inilaan ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza upang mabigyang katuparan ang nasabing proyekto na matagal na ring pinangarap ng mga residente.
Sa kanyang naging mensahe, binigyang diin ni Congresswoman Santos na ang kanyang tanggapan ay laging handang makipagtulungan sa kapitolyo para sa kapakanan ng kanyang nasasakupan sa ikatlong distrito.
Isang buong pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ni Ginang Gloria Muyco. 66, residente ng Barangay Ugpay ng naturang bayan dahil malaki ang maitutulong ng proyektong hanging bridge na ibinigay sa kanila ng pamahalaang panlalawigan.
Pasasalamat din ang ipinarating ni Gina Gabutero, 41, ng Barangay New Consolacion kay Governor Mendoza sa pagtugon nito sa kanilang pangangailangan na magkaroon ng isang malinis na mapagkukunan ng tubig.
Nakiisa rin sa serye ng turnover sa bayan ng Mโlang sina Boardmembers Jonathan Tabara, Ivy Dalumpines-Ballitoc at Joemar Cerebo, Municipal Administrator Emmanuel Abonado at Sangguniang Kabataan (SK) Municipal Federation President Honey Ballenas.//idcd-pgo-sotto//PhotobyLdelacruz//