๐‘ช๐’๐’•๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’•๐’ ๐’‘๐’“๐’๐’—๐’Š๐’๐’„๐’†, โ€œ๐’ˆ๐’†๐’๐’†๐’“๐’‚๐’๐’๐’š ๐’‘๐’†๐’‚๐’„๐’†๐’‡๐’–๐’ ๐’‚๐’๐’… ๐’Ž๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ๐’†๐’‚๐’ƒ๐’๐’†โ€ ๐’‚๐’š๐’๐’ ๐’”๐’‚ ๐’๐’‘๐’Š๐’”๐’š๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐‘ต๐‘ท

Amas, Kidapawan City I Enero 8, 2024 โ€“ Maganda ang salubong ng bagong taon sa mga lokal na opisyales ng Cotabato dahil sa magandang balita ng pinakamataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP)-Cotabato sa ginanap na kauna-unahang Provincial Peace and Order Council (PPOC) Meeting para sa taong 2024 na pinanguhan ni PPOC Chair at Cotabato Governor Emmylou โ€œLalaโ€ J. Taliรฑo-Mendoza sa Tuburan Hall, Capitol Compound, Amas, Kidapawan City.

Sa nasabing meeting na dinaluhan ng halos lahat ng mga alkalde o local chief executives (LCEs) sa buong lalawigan ay isang inspirasyon ang ibinigay ni PNP-Cotabato Provincial Director PCol Harold S. Ramos sa mga lokal na opisyales at mga kinatawan mula sa iba pang ahensya ng pamahalaan kung saan sinabi nito na naging โ€œ๐™œ๐™š๐™ฃ๐™š๐™ง๐™–๐™ก๐™ก๐™ฎ ๐™ฅ๐™š๐™–๐™˜๐™š๐™›๐™ช๐™ก ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ข๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ๐™š๐™–๐™—๐™ก๐™šโ€ ang lalawigan sa nakalipas na taon at sinabing โ€œnapakatahimik ng Cotabato Province.โ€

Sa maiksing update na ibinigay nito, partikular na binanggit ni Ramos ang bayan ng Pikit na ayon sa kanya ay sa huling dalawang buwan ng taong 2023 ay wala nang naitalang โ€œshooting incidentsโ€ sa naturang bayan.

Matatandaang, sa mga nagdaang pagpupulong ng PPOC ay naging area of concern ang bayan ng Pikit dahil sa mga insidente ng pamamaril rito, na siya namang dahilan ng pagpapaigting ng police at military visibility sa lugar bilang bahagi ng implementasyon ng โ€œfull force of the lawโ€ na mahigpit din namang sinang-ayunan at sinuportahan ni Gov. Mendoza.

Nagpasalamat naman si PD Ramos, na nakatakdang bibigyan ng bagong area of assignment, kay Governor Mendoza dahil sa walang sawang suporta nito sa mga programa ng Cotabato Police Provincial Office (CPPO) at sa mga napapanahong inisyatiba na ipinapatupad nito lalo na sa usapin ng peace and order na naging daan sa tagumpay ng CPPO sa layuning panatilihin ang kaayusan, at katiwasayan sa lalawigan ng Cotabato.

Sa katunayan aniya ay kinilala ang PNP-Cotabato bilang: ๐˜ฝ๐™š๐™จ๐™ฉ ๐™‹๐™ค๐™ก๐™ž๐™˜๐™š ๐™‹๐™ง๐™ค๐™ซ๐™ž๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™–๐™ก ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š ๐™ž๐™ฃ ๐™๐™š๐™œ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐Ÿ๐Ÿ ๐™›๐™ค๐™ง ๐˜พ๐™–๐™ก๐™š๐™ฃ๐™™๐™–๐™ง ๐™”๐™š๐™–๐™ง๐™จ (๐˜พ๐™”) ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ ๐™–๐™ฉ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘, at ๐Ÿ๐™ฃ๐™™ ๐˜ฝ๐™š๐™จ๐™ฉ ๐™‹๐™ง๐™ค๐™ซ๐™ž๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™–๐™ก ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š ๐™‰๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™ฌ๐™ž๐™™๐™š.

Pinasalamatan din ng opisyal sina 3rd District Representative Ma. Alana Samantha Santos, House Deputy Speaker at TUCP Representative Raymond Mendoza, pati na ang mga LCEs sa ibaโ€™t ibang bayan, na naging aktibong kasangga ng pulisya at militar sa adhikaing bigyan ang mga Cotabateรฑo ng ligtas at tahimik na pamumuhay.

Nagbigay rin ng kanila-kanilang update at presentasyon sina 602nd Commanding Officer BGen Donald M. Gumiran, 1002nd Commanding Officer BGen Patricio Ruben Amata, Provincial Fire Marshall FSupt Milo Manlabao, Provincial Jail Warden CInsp Teddy Uchi ng BJMP-North Cotabato District Jail-Male Ward, Provincial Task Force to End Local Communist and Armed Conflict (PTF-ELCAC) Focal Person Vilma Mendoza, DILG Provincial Director Ali B. Abdullah, at si Provincial Social Welfare and Development Officer Arlene A. Timson para sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Tiniyak naman ni Governor Mendoza ang patuloy na suporta nito sa PNP at Philippine Army, dahil batid nito ang kahalagahan ng kanilang ginagampanang tungkulin na aniya ay hinding-hindi maaring makumpromiso dahil dito nakasasalay ang kaligtasan ng mamamayan at ng buong bayan.

Dumalo rin sa naturang pagpupulong ang mga kinatawan mula sa DepEd, at iba pang national line agencies, Boardmember Sittie Eljorie A. Balisi, mga alkalde sa ibaโ€™t ibang bayan ng probinsya, Liga ng mga Barangay Provincial Federation President/Ex-Officio Boardmember Phipps T. Bilbao, SK-Provincial Federation President/Ex-Officio Boardmember Karen Michie de Guzman, at marami pang iba./pgo-idcd-gonzales/Photoby:WSamillano//