Amas, Kidapawan City – Isang mensahe ng pasasalamat at pagsaludo ang ipinaabot ng mga opisyal ng Kataas-taasang Hukuman ng bansa sa pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng liderato ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza, kasunod ng matagumpay na Pilot Testing of Videoconferencing Bus – isang bagong inobasyon sa Enhanced Justice on Wheels (EJOW) Program ng Korte Suprema, na ginawa nitong Huwebes, Nobyembre 30ng umaga sa Brgy. Basak, Magpet bilang bahagi ng 5th Revisit of the EJOW Program para sa probinsya ng Cotabato kung saan nagsagawa rin ng simultaneous activities kaugnay nito.
“The fact that we are doing it here for the first time speaks volumes of how we regarded you as partner and how we appreciate you as partner, because you are very supportive of the Supreme Court in every project that we do, not merely in terms of time and attendance, but also in terms of funding.”
Ito ang naging mensahe ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier na siyang kinatawan ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo sa pagbubukas ng isa pang component activity ng 5th EJOW, ang Dialogue Amongst Stakeholders of the Justice Sector na dinaluhan din ni Deputy Court Adminstrator for Mindanao Leo Madrazo, kasama ang mga justices, prosecutors, Public Attorney’s Office lawyers, Integrated Bar of the Philippines-Cotabato Chapter lawyers, at marami pang iba.
“๐๐ฅ๐๐๐๐ฎ ๐๐ช๐จ๐ฉ๐๐๐”
Ayon kay Associate Justice Javier, nagpapaabot ng pasasalamat si Chief Justice Gesmundo sa lahat nang nakibahagi sa adhikaing ito ng Korte Suprema na tulungan ang mga “underserved and undeprivileged” sa lipunan, lalo na sa liderato ni Gov. Mendoza na naging daan sa pag-umpisa ng bagong “EJOW tool” na inaasahang tutulong “to make justice speedy and accessible to all” lalo na malalayong komunidad.
Nagpahayag din si Javier ng personal na pasasalamat sa ina ng probinsya sa kanyang inspirasyon bilang isang lider na tinawag din nitong “a symbol of women empowerment”. Umaasa si Javier na maging inspirasyon din ng iba pang lokal na pamahalaan ang probinsya ng Cotabato upang mas marami pang sulok ng bansa ang maaabot ng EJOW Bus.
Taos-pusong pasasalamat din ang mensahe ni EJOW Chairperson at Regional Trial Court Kidapawan City Executive Judge Arvin Sadiri B. Balagot kay Gov. Mendoza sa naging suporta ng gobernadora sa naturang aktibidad.
“๐๐๐ฃ๐๐๐ช๐ก ๐ค๐ ๐๐ช๐ข๐๐ฃ ๐ง๐๐๐๐ฉ๐จ”
Binigyang diin naman ni Gov. Mendoza na lagi nitong isinasaalang-alang ang karapatang pantao at kapakanan ng mga detenidong indibidwal sa loob ng jail facilities sa probinsya at nais nitong mabigyan ang mga ito ng kaukulang pansin at interbensyon na kinakailangan. Siniguro din nito na patuloy na magiging aktibong partner ang pamahalaang panlalawigan sa mga adhikain mag-aangat ng justice system sa bansa kasama ang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan at iba pang stakeholders.
Sinimulan ni Gov. Mendoza ang EJOW sa lalawigan ng Cotabato noong 2012 (86 cases dismissed, 89 PDLs released), at sinundan noong 2014 (219 cases disposed, 157 PDLs released, 13 convicted); 2016 (183 cases heard, 95 PDLs released); at 2018 (690 cases heard and tried, 400 PDLs released).
๐๐๐ฑ๐ด๐ฒ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ผ๐ป๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฐ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ถ๐ฒ๐
Ayon sa datos mula sa Provincial Legal Office na pinumunuan ni Atty. John Haye Deluvio, naglaan ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ng abot sa Php2.5M para sa implementasyon ng 5th EJOW.
Maliban naman sa nabanggit na pilot testing of remote court at stakeholders dialogue, nagsagawa rin ng iba pang component activities kaugnay g 5th EJOW tulad ng: destruction and burning of drug exhibits; turnover of firearms, explosives, and deadly weapons; ceremonial release of PDLs (persons deprived of liberty); release of livelihood assistance to qualified PDLs; Information Dissemination to Newly Elected Barangay Officials by the Philippine Judicial Academy katuwang ang DILG-Cotabato at Sangguniang Panlalawigan Committee on Barangay Affairs; Jail Visitation with Legal, Medical, and Dental Services./idcd-pgo-gonzales/photoby: SMNanini, HGCBellosillo/