Amas, Kidapawan City| Nobyembre 30, 2023-Muling gumulong sa lalawigan ng Cotabato ang Enhanced Justice on Wheels (EJOW) Program ng Korte Suprema katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Ito na ang panglimang taon na implementasyon ng EJOW sa probinsya na naglalayong matulungan ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na mabilisang malitis ang kanilang mga nakabinbing kaso at paraan na rin ito ng pamahalaan na madecongest ang mga bilangguan.
Ang naturang programa ay unang ipinatupad sa lalawigan noong 2012 sa inisyatibo ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo-Mendoza na sinundan noong 2014, 2016 at 2018.
Sa pagbubukas ng aktibidad ngayong araw na ginanap sa Provincial Capitol Gymnasium, Amas, Kidapawan City naging makabuluhan ang iniwang mensahe ni Governor Mendoza sa pamamagitan ni Liga ng mga Barangay Federation President Phipps Bilbao kung saan pinasalamatan nito ang Korte Suprema at iba pang stakeholders sa pagsasagawa ng naturang aktibidad na makakatulong sa mabilisang pagproseso ng ng mga kasong kinakaharap ng mga bilanggo na hatid ay pag-asa para sa kanila.
Masaya naman si Judge Elena Rebecca De Leon ng Municipal Trial Courts in Cities (MTCC) of Kidapawan dahil muli na namang naihatid ng EJOW ang programa para sa mga indibidwal na nangangailangan ng kanilang tulong at hustisya.
Naging katuwang rin sa pagpapatupad ng EJOW and the Increasing Access to Justice by the Poor Program ang Department of Justice, Public Attorney’s Office, Integrated Bar of the Philippines, Provincial Legal Office, Philippine Mediation Center, Integrated Shari’ah Bar of the Philippines Inc., Office of the Court Administrator, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Drug Enforcement Agency, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Parole and Probation Administration, Philippine Dental Association, Department of the Interior and Local Government, North Cotabato Medical Association, Philippine Dental Association at iba pang stakeholders.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//