Amas, Kidapawan City I Nobyembre 15, 2023 โ Sa pagnanais na isulong ang propesyonalismo, malasakit, katapatan sa paglilingkod, at integridad ng mga kawani at opisyales ng gobyerno, pinapaigting ngayon ng pamahalaang panlalawigan ang Serbisyong Totoo Moral Recovery Program (STMRP) alinsunod sa Executive Order No. 49 Series of 2022 na nilagdaan ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza.
Naniniwala ang gobernadora na ang susi sa tapat, mahusay, may malasakit, at walang pag-iimbot na pagganap sa tungkulin ng isang lingkod-bayan ay nagsisimula sa paghubog ng kanyang karakter sa pamamagitan ng matatag na โmoral and spiritual valuesโ nito.
Matatandaang, sa kanyang unang pag-upo bilang pinakamataas na opisyal ng probinsya noong 2010, inilunsad ni Mendoza ang Moral Values and Spirituality Enhancement Program ng kanyang administrasyon kung saan sumailalim sa retreat / recollection activity ang mga provincial employees and officials. Nakalatag din sa kasalukuyang 12-point agenda nito ang Moral Recovery, Good Governance, Accountability and Transparency.
Kaya, upang mas matutukan ang naturang adhikain, sumailalim sa apat na araw ng pagsasanay ang mga itinalaga nitong STMRP-Values Restoration Officers mula sa ibaโt ibang departamento ng Kapitolyo upang mabigyan ang mga ito ng mas malalim na pang-unawa at kaalaman hinggil sa nasabing programa, at upang makabuo rin ng โinitial action plan for values enhancementโ na maaring ipatupad sa kani-kanilang mga tanggapan.
Kabilang sa mga paksang masusing tinalakay ay ang mga sumusunod: ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (commitment/dedication, concern, cooperation, courage, freedom, interdependence, national pride, promotion of common good, selflessness, unity and fellowship); ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐ (accountability, discipline and order, equality, faithfulness and justice, purity, reliability, respect of life, self-reflection and analysis, taming the tongue, transparency, trust, word of honor); ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (decisiveness, diligence with focus, humor and joyfulness, leadership, originality, perseverance, resourcefulness, sense of responsibility, value for work, wisdom); at ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (charity, conviction, faith, humility, forgiveness, Godliness and Holiness, obedience, peace, praise and worship, prayerfulness, repentance, reverence and fear of God, righteousness, submissiveness, thankfulness).
Katuwang sa naturang programa ang Council for the Restoration of Filipino Values (CRFV) na siyang nanguna sa pangangasiwa ng nasabing pagsasanay kasama ang mga CFRV Accredited Facilitators na sina Mr. Prince Acosta, Ptr. Eugene Badilis, Mr. Allan M. Matullano, at Ptr. Lito Dalisay, na siya ring itinalaga ni Gov. Mendoza bilang STMRP Program Coordinator.
Ito ay ginanap sa Sitio Maupot, Brgy. Pangao-an, Magpet na sinimulan nitong ika-14 ng Nobyembre at magtatapos sa darating na Biyernes, ika-17 ng buwan. Ngayong araw, magkakaroon ng Open Forum ang mga kalahok na binisita naman ni Provincial Advisory Council (PAC) Member Rodrigo Escudero bilang kinatawan ni Gov. Mendoza./idcd-pgo-gonzales/photoby:STMRP/