Amas, Kidapawan City| Nobyembre 15, 2023- Kasalukuyang sumasailalim sa dalawang araw (November 15-16) na Career and Self Development Seminar ang 294 na benepisyaryo ng Government Internship Program ng Department of Labor and Employment at pamahalaang panalalawigan ng Cotabato.
Ang naturang seminar ay paraan ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza na mabigyan ng kalaaman at kasanayan ang mga GIPs na kasalukuyang nagtatrabaho sa ibaโt ibang opisina ng kapitolyo upang maayos nitong maihatid ang serbisyong inaasahan mula sa kanila.
Ito ay ginanap sa Provincial Capitol Gymnasium, Amas, Kidapawan City na pinangasiwaan ng Provincial Human Resource and Management Office (PHRMO) katuwang ang mga kawani mula sa DOLE.
Sa kanyang naging mensahe bilang kinatawan ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza, binigyang diin ni Provincial Administrator Aurora P. Garcia sa mga GIP beneficiaries ang kahalagahan ng pagsisikap at pagpupunyagi sa trabaho. Ayon sa administrador, gaano man kaliit o kalaki ang trabahong nakaatang sa balikat ng isang indibidwal nararapat lamang na gampanan ito ng may malasakit at pagmamahal.
Kabilang sa mga tinalakay at tatalakayin sa dalawang araw na aktibidad ay ang Drug-free Workplace; Unlocking Your Potential: A journey of personal growth and personality development; at usaping mental health. Ang lectures ay ibibigay naman ni Dr. Patrick Julius G. Pacal isang rural health physician, Apple R. Ureta Professor II sa University of Southern Mindanao (USM) at Lucita Sunshine G. Balucos Guidance Counselor ng Saniel Cruz National High School.
Ang GIP ay isang programa ng DOLE sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato na naglalayong matulungang mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga kabataang edad 18-30 taong gulang.//idcd-pgo-sotto/PhotobyLdelacruz//