Amas, Kidapawan City Nobyembre 15, 2023- Masaya at puno ng kulay na ipinagdiwang nitong Miyerkukes ng mga Carmenians ang ika-67 Founding Anniversary ng bayan na may temang, โPagkakaisa ng mamamayan susi sa mas maunlad na bayan ng Carmen.โ
Naging panauhing pandangal sa naturang pagdiriwang si Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza na personal ring nagpaabot ng kanyang pagbati ng isang maligayang kaarawan sa kanyang ama at alkalde ng bayan na si Mayor Rogelio โManong Rogerโ Taliรฑo.
Pinasalamatan din nito ang Poong Maykapal at lahat ng mga indibidwal lalo na yaong mga senior citizens na malaki ang naiambag sa tinatamasang kapayapaan at kaunlaran ngayon ng bayan.
“๐พ๐๐๐ง๐๐ฉ๐ฎ ๐๐๐๐๐ฃ๐จ ๐๐ฉ ๐๐ค๐ข๐,โ ito naman ang kanyang binigyang diin matapos paalalahanan ang mamamayan na patuloy na magkaisa at magtulungan upang mapanatili ang kaayusan at katiwasayan ng relasyon sa pagitan ng Muslim, Lumad at Kristiyano. Tiniyak din nito na patuloy na magiging kaagapay ng lokal na pamahalaan ang provincial government sa pagpapaabot ng serbisyo sa lugar.
Taos pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ni Mayor Manong Roger Taliรฑo sa lahat ng nakiisa sa naturang kapistahan. Dalangin nito ang isang mas mapayapa at maunlad na Carmen sa hinaharap.
Naging bisita rin sa selebrasyon si 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos, 4Ps Partylist Representative Jonathan Clement Abalos, 3rd District Boardmembers Jonathan Tabara, Ivy Dalumpines-Ballitoc at Joemar Cerebo, Carmen 1st Lady Noemi Taliรฑo, department heads ng LGU Carmen at iba pang imbitadong bisita.//idcd-pgo-sotto/PhotobySMNanini//