Amas, Kidapawan City | Nobyembre 13, 2023 – Sa isang makasaysayang seremonya ng panunumpa, inihayag ng mga bagong halal na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials mula sa bayan ng Aleosan ang kanilang malinis na intensyon na maglingkod para sa kapakanan ng kanilang nasasakupan.
Ang “Mass Oath Taking Ceremony” ay isinagawa ngayong araw sa Municipal Gymnasium ng bayan na pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza na sinaksihan naman ni Municipal Mayor Eduardo C. Cabaya bilang hudyat ng pagsisimula ng kanilang responsibilidad bilang lingkod-bayan.
Sa kanyang mensahe sinabi ni Governor Mendoza, “Sa pagtutulungan nating lahat, madali nating mapapaunlad at mapagtitibay ang ating komunidad. Bilang mga lider, gampanan natin ang ating mga tungkulin nang may paninindigan at katapatan.”
Nangako naman ang mga nanalong opisyal na pagsisikapan nilang magampanan ang kanilang tungkulin bilang katuparan sa binitiwan nitong pangako noong panahon ng kampanya.
Ang naturang aktibidad ay sinaksihan din nina Boardmember Sittie Eljorie C. Antao-Balisi, Sangguniang Kabataan Provincial Federation President/ Ex-officio Boardmember Sarah Joy L. Simblante, Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Ali Abdullah, Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Janette C. Bingil, Former Boardmember at Provincial Advisory Council (PAC) Rosalie H. Cabaya, Vice-Mayor Felimon C. Cayang, Jr., Sangguniang Bayan Members, at iba pang mga imbitadong panauhin mula sa nabanggit na bayan.//idcd-pgo-delacruz Photoby:SMNanini//