Amas, Kidapawan City I Nobyembre 13, 2023 โ Pinangunahan ngayong Lunes ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza ang pormal na panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials sa bayan ng Pigcawayan na isinagawa sa Municipal Gymnasium nito.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot ng gobernadora ang kanyang pagbati sa mga napili ng taumbayan na mamuno sa kani-kanilang mga barangay nitong nagdaang halalan. Aniya, mahalaga na ang umuupong lider ay hindi lang may malasakit sa mamamayan kundi may kakayahan din na itaguyod ang mga adhikain nito sa kabila ng ibaโt ibang balakid at mga hamon.
Nagpahayag din ng buong suporta si Governor Mendoza sa mga ito na naging bahagi at patuloy na naniniwala sa adbokasiya ng โSerbisyong Totooโ sabay ang kanyang pagsiguro na magiging kaisa nila ang Kapitolyo sa pagsulong ng kapakanan ng karamihan at kaunlaran sa mga komunidad.
Kasama rin ni Gov. Mendoza sa nasabing oath taking ceremony sina 1st District Boardmember Sittie Eljorie Antao-Balisi, Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Ali B. Abdullah, at MLGOO-Pigcawayan Ms. Emilia S. Dandoy. Sinaksihan rin ito nina Municipal Administrator Silvino Q. Tejada, PhD, at Vice Mayor Niel Jake Casi bilang mga kinatawan ni Mayor Juanito Agustin, kasama ang iba pang mga panauhin at lokal na opisyales ng naturang bayan.//idcd-pgo-gonzales/photoby:WSamillano//