๐๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‚๐จ๐ญ๐š๐›๐š๐ญ๐จ ๐ง๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐’๐Ž๐‚๐‚๐’๐Š๐’๐€๐‘๐†๐„๐ ๐๐ˆ๐ ๐‚๐จ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ ๐’๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘

Amas, Kidapawan City | Nobyembre 9, 2023 – Ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pamumuno ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza ay patuloy sa pagsasagawa ng hakbang upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga Cotabateรฑo laban sa iba’t ibang nakakahawang sakit sa pamamaagitan ng pagpapatupad ng National Immunization Program (NIP) sa lalawigan.

Kaugnay nito, sa pangunguna ng Department of Health Center for Health for Development (DOH-CHD) XII, isinagawa nitong ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre ang “SOCCSKSARGEN NIP Coordinators Summit 2023” na dinaluhan ng mga Provincial NIP Coordinators sa buong rehiyon kabilang na ang representante mula sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng probinsya ng Cotabato.

Ang pagsagawa nitong aktibidad ay sa pangunguna ng pamahalaang nasyunal sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa pamamagitan ng tanggapan DOH ni Secretary Dr. Teodoro J. Herbosa, DOH-CHD 12 Regional Director Dr. Aristides C. Tan na may layuning palakasin ang immunization program sa Pilipinas upang mabawasan ang morbidity at mortality sa mga bata, laban sa mga pangkaraniwang sakit na maiiwasan sa bakuna, pati na rin sa mga matatanda.

Sa ginawang pagtitipon, iprinisenta ng mga dumalo ang kanilang routine immunization accomplishments para sa taong 2023 tulad ng paglilibot ng mga ito sa iba’t ibang lugar upang makapagbigay ng mga bakuna sa mga bata at matatanda laban sa iba’t ibang mga nakakahawang sakit. Pinag-usapan rin ang mga gagawing hakbang ng DOH sa taong 2024 na makakatulog upang palakasin ang adbokasiya ng nasabing programa.

Dumalo sa ginawang aktibidad si DOH-CHD 12 Assistant Regional Director Sulpicio Henry M. Legaspi Jr. kasama ang mga Provincial Health Education and Promotion Officers, Development Management Officers, at mga representante mula sa UNICEF and Relief International.//idcd-pgo-catalan/Photoby:IPHO//