Amas, Kidapawan City I Nobyembre 9, 2023- Sa simula pa lamang ng kanyang pamumuno bilang pinakamataas na opisyal ng lalawigan, inihayag na ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza na paiiralin nito ang โtransparency at accountabilityโ sa kanyang panunungkulan.
Bahagi ng pagsasakatuparan nito ang paggamit ng โsocial media platformsโ upang maibahagi ang tamang impormasyon hinggil sa mga programa, proyekto at aktibidad ng kapitolyo, na siyang daan upang ipaalam sa taumbayan ang mga pinaglalaanan ng pondo ng probinsya at sabay na maiparamdam sa kanila, ang malasakit at serbisyo ng pamahalaan.
Ang naturang hakbang ay parte na rin ng pag-iingat na ginagawa ng butihing gobernadora sa kaban ng bayan na nagmula sa โtaxโ o buwis na ibinabayad ng mga mamamayan para sa pagpapaunlad ng lalawigan.
Kaugnay nito, upang gawing higit na mahusay at episyente ang mga kawani ng Provincial Treasurerโs Office (PTO) at Provincial Assessors Office (PAssO) na siyang direktang namamahala sa pag-iingat ng yaman o buwis ng probinsya, inatasan ni Gov. Mendoza sina PTO Head Gail V. Ontal at Acting PAssO Head Ricarlo P. Adeja, kasama ang iba pang mga kawani na lumahok sa โJoint Training on Real Property Tax Compliance and Tax Impact Studyโ na inorganisa ng Region 12 and BARRM Bureau of Local Government Financeโ sa Venue 88 Hotel and Events Place, General Santos City ngayong Nobyembre 9-10, 2023.
Tatalakayin sa naturang pagsasanay ang apat (4) na โoutputโ upang pag-ibayuhin ang paglilingkod sa publiko at mas mapaigting pa ang โlocal governance.โ Kasama sa โoutputโ ang pagpapatibay ng โproperty valuationโ sa pamamagitan ng mga polisiya, pagpapatupad ng โproperty tax valuation database at information systemsโ, pagpapalakas ng โreal property taxationโ sa ilang Local Government Units (LGUs) at ang maiangat ang kaalaman at kapasidad ng mga Local Assessors sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.//idcd-pgo-frigillana/photoby:pto