Amas, Kidapawan City I Nobyembre 8, 2023 โ Anim na young farmers mula sa probinsya ng Cotabato ang pinarangalan ngayong Miyerkules bilang regional winners ng Young Farmers’ Challenge (YFC) 2023 ng Department of Agriculture (DA) bilang bahagi ng pagsisikap ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ R. Marcos, Jr. na tulungan ang mga kabataang nagnanais subukan ang industriya ng agrikultura bilang pangkabuhayan, partikular na sa larangan ng agri-fishery.
Ang YFC Program ay ipinapatupad ng DA sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Services katuwang ang tanggapan ni Presidential Sister Senator Imee R. Marcos, Government Service Insurance System (GSIS), at ang mga lokal na pamahalaan upang mapukaw ang interes ng makabagong henerasyon sa larangan ng agrikultura. Bahagi ng YFC Program na bigyan ng oportunidad ang mga kalahok na makabuo ng โbusiness model canvassโ (BMC) at magkaroon ng kanilang sariling negosyo sa pamamagitan ng ibibigay na financial grant sa mga mananalo sa provincial (Php80,000.00), regional (Php150,000.00), at national level (Php300,000.00) bilang panimulang puhunan sa kanilang piniling agribusiness venture o negosyo.
Sa ginanap na awarding ceremony sa Koronadal City, kabilang sa mga Cotabateรฑong itinahanghal na regional winners ang mga sumusunod:
Individual Category (Open)
1. Ylaine Joyce B. Giangan ng Makilala โ MACOFF Coffee Processing
2. Sol Maraiah E. Into ng Makilala โ JCA Integrated Farm
3. Mickegie C. Arancon ng Pres. Roxas โ OM-G! (Oyster Mushroom, Growth Generate Grain)
Group Category (Intercollegiate Competition)
4. Venjie V. Mencias, Samuel M. Cordova, Jr., at Datu Basser Abdullah ng Carmen at kalahok ng USM Kabacan โ Yโnut Gift from Nuts
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga nabanggit na young farmers kay Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza sa suporta nito sa kanila lalo na sa nabanggit na pagsisikap na isang napakalaking tulong sa pagtupad ng kanilang pangarap. Bilang ina ng lalawigan, pangunahing adhikain rin ni Gov. Mendoza na palakasin ang sektor ng mga kabataan at hubugin ang kanilang angking kakayahan upang maging self-reliant, self-sufficient, at resilient.
Ayon naman kay 4-H/YFC Provincial Coordinator Judy C. Gomez ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), ang Cotabato Province ang may pinakamaraming awardees sa buong SOCKSKSARGEN Region kung saan mismong sina DA Regional Executive Director Dr. John Pascual at DA XII-Agribusiness and Marketing Assistance Division OIC Chief Abdulkadil Ango ang nanguna sa nasabing aktibidad.//idcd-pgo-gonzales/photoby: OPAg/