Amas, Kidapawan City| Nobyembre 7, 2023- Sa hangaring mapangalagaan ang mga sapa, ilog, lawa, talon, latian at iba pang anyong tubig sa lalawigan ng Cotabato, nagsagawa ng Plenary Workshop on Proposed Provincial Ordinance No. 2023-17-023 o Waterbodies and Wetlands Conservation and Protection Ordinance of the Province of Cotabato ang pamahalaang panlalawigan.
Pangunahing may akda ng naturang ordinansa sina Boardmembers Ryl John C. Caoagdan at Sarah Joy L. Simblante na sinuportahan din ni Boardmembers Joemar S. Cerebo, Krista Piรฑol-Solis at Former Boardmember at Provincial Advisory Council Member Shirlyn Macasarte-Villanueva. Ito ay naglalayong palakasin ang pangangalaga sa kalikasan na isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng pagkain at pangkabuhayan ng mga mamamayan.
Nais din ng kapitilyo na malabanan ang masamang epekto ng global warming na siyang sanhi ng iba โt ibang kalamidad na nagdudulot ng kapahamakan sa tao.
Ang aktibidad ay ginanap sa Sitio Maupot Resort, Barangay Pangao-an, Magpet, Cotabato na sinimulan kahapon, Nobyembre 6 at magtatapos bukas Nobyembre 8, 2023.
Sa kanilang naging mensahe, pinasalamatan nina Boardmembers Caoagdan at Simblante si Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza sa suportang ipinapaabot nito lalo na sa usapin ng environmental protection and conservation na bahagi rin ng kanyang 12-point agenda.
Inaasahang sa pagbalangkas ng naturang ordinansa ay mas lalo pang mapoprotektahan ang mga yamang tubig ng lalawigan na napakahalaga sa isang balanseng ekolohiya.//idcd-pgo-sotto/PhotobyCVallejo//