Amas,Kidapawan City|Nobyembre 7, 2023- Kinilala ngayong araw ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagsisikap ng mga indibidwal, grupo at stakeholders na naging katuwang nito sa sampung taong paghahatid ng serbisyo publiko.
Sa isinagawang Appreciation Ceremony na bahagi ng selebrasyon ng 10th Year Anniversary ng ahensya, kabilang ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa mga kinilala ng PSA dahil sa naging kontribusyon nito sa paglalatag ng komprehensibo at tamang istatistika na mahalaga hindi lamang sa pananaliksik, pagtantiya ng inflation rate, at pagsusuri kundi pati na rin sa pagpapatupad ng mga proyekto at programang napapanahon at kinakailangan ng mamamayan.
Sa kanyang naging mensahe, ipinahayag ni PSA Regional Director XII Maqtahar L. Manulon ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga stakeholders na nagsikap at tumulong upang maayos na maipaabot ng kanyang tanggapan ang serbisyo nito sa buong rehiyon XII.
Nabanggit din nito na ang PSA ay nagsisikap na maghatid ng serbisyong napapanahon at kinakailangan ng bawat mamamayang Pilipino.
“๐ท๐บ๐จ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐,โ wika ni Manulon.
Bilang pakikiisa sa selebrasyon, ipinaabot din ni Regional Development Council (RDC) XII Chair at Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza ang kanyang mainit na pagbati at pasasalamat sa PSA na naging katuwang rin ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapaabot ng serbisyo lalo na sa mamamayang Cotabateรฑo.
Personal namang tinanggap ni Raquel D. Fernandez, Local Assessment Operations Officer ng Provincial Assessor’s Office ang plake mula sa ahensya sa isinagawang appreciation ceremony na ginanap sa Avior Hotel General Santos City ngayong umaga.
Tumanggap rin ng pagkilala ang mga bayan ng Matalam, Carmen, Antipas, President Roxas, at Pigcawayan.
Ang tema ng selebrasyon sa taong ito ay “๐ท๐บ๐จ @10: ๐ท๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ธ๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.โ//idcd-pgo-sotto/PhotobyPASSO//