Amas, Kidapawan City | Nobyembre 7, 2023 – Ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pamumuno ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza ay patuloy na nagsusumikap upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga Cotabateรฑo lalong lalo na sa usaping pang-agrikultura para sa ika-uunlad ng probinsya.
Dahil dito, patuloy ang kapitolyo sa pagpapatupad ng mga programa na lubos na makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa agrikultura sa mga napabilang sa naturang sektor sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) sa pamumuno ni Department Head Remedios M. Hernandez.
Ngayong Martes, muling nagsagawa ng “Skills Training on Fish Processing with Value-Adding” ang OPAg para sa pitumpung (70) partisipante na mga kakabaihan na nagmula sa New Bulatukan Rural Improvement Club (RIC) at mga 4-H Club members na ginanap sa Brgy. New Bulatukan bayan ng Makilala.
Sumailalim ang grupo sa talakayan tungkol sa “post harvest technology on fish,” at paggawa ng tilapia lamayo, dried fish at bagoong na makakatulong sa kanila bilang karagdagang mapagkukunan ng kita. Bukod pa rito, tinalakay rin kung paano maiwasan ang pagkalugi sa produksyon ng isda sa pamamagitan ng pagpoproseso sa pagkakataong may labis na ani at may mga nakuhan isda na kulang sa laki.
Kasama sa isinagawang aktibidad sina Makilala Municipal Agriculturist Venancia C. Bangot, Municipal Fisheries Coordinator Jelford C. Sumaya at New Bulatukan Punong Barangay Heracleo C. Pepito.//idcd-pgo-catalan/Photoby:RCDenula//