Amas, Kidapawan City I Nobyembre 7, 2023 โ Sisimulan na sa susunod na taon ang ibaโt ibang infrastructure projects sa 27-ektaryang Cotabato Agro-Industrial Park (CAIP) sa bayan ng M’lang kung saan naglaan ng P90M counterpart ang pamahalaang panlalawigan para dito.
Ito ang magandang ibinalita ni Office of the Provincial Planning and Development Coordinator (OPPDC) Jonah J. Balanag, kinatawan ni Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza, sa isinagawang CAIP Coordinative Meeting ngayong Martes kung saan inihayag nito na aprubado na ang nasabing pondo na nakapaloob sa Cotabato Province Annual Investment Plan (AIP) 2024 bilang counterpart ng pamahalaang panlalawigan sa naturang proyekto.
Batay sa datus mula sa OPPDC, kabilang sa mga nakalatag na proyekto sa ilalim ng nasabing budget ay ang: P25M perimeter fence, P45M road network, P11M land development, P5M power supply, P3M water supply, at P1M operation allowance.
Pinag-usapan rin sa meeting ang mga susunod na hakbang kabilang na ang paghahanda ng mga dokumentong kinakailangan upang masiguro ang mabilis, maayos, at epektibong implementasyon ng proyekto.
Matatandaang pinuri ng Department of Agriculture XII ang probinsya ng Cotabato dahil sa mabilis na implementasyon ng naturang proyekto kung ikukumpara sa iba pang proposed agro-industrial hubs (AIH) sa buong rehiyon.
Ang CAIP ay isa sa mga prayoridad na programa ni Gov. Mendoza na naglalayong tulungan ang agriculture industry sa probinsya upang magkaroon ng mas mataas na produksiyon at kita habang pinapaunlad rin nito ang ekonomiya, turismo, at aspetong pangkabuhayan kasabay ng inaasahang operasyon ng Central Mindanao Airport sa naturang bayan.
Dumalo rin sa pagpupulong sina Provincial Advisory Council members Amalia J. Datukan at Godofredo Homez, PGO-Governance Consultant Cynthia D. Ortega, mga myembro ng CAIP Committee mula sa Provincial Governorโs Office, Provincial Legal Office, Cotabato Province Investment Promotion Center, at Office of the Provincial Agriculturist. //idcd-pgo-gonzales/photoby: EVargas//