๐™Ž๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™ค ๐™ฉ๐™š๐™–๐™ข ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™–๐™จ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ช๐™ฃ๐™–-๐™ช๐™ฃ๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™œ “๐™Ž๐™š๐™ฃ๐™ž๐™ค๐™ง ๐˜พ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ฏ๐™š๐™ฃ ๐˜พ๐™ค๐™™๐™š” ๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™–๐™ก๐™–๐™ฌ๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™ค๐™ฉ๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™ค

Amas, Kidapawan City I Nobyembre 6, 2023-Muling pinatotohanan ni Cotabato Governor Emmylou โ€œLalaโ€ J. Taliรฑo-Mendoza na prayoridad ng kanyang panunungkulan ang mabigyan ng mataas na pagpapahalaga ang mga nakatatandang Cotabateรฑos sa lalawigan.

Kaugnay nito, nagmistulang “reunion” ng mga beteranong lehislador at kinilalang tatlong dekadang “pillars” ng Serbisyong Totoo na mga dating Boardmember at kasalukuyang mga miyembro ng Provincial Advisory Council (PAC) na sina Eliseo D. Garcesa, Vicente Sorupia, Onofre L. Respicio, kasama rin si dating Boardmember Farida U. Malingco sa isinagawang โ€œPlenary Workshop on the Formulation of the Elderly/Senior Citizen Code of Cotabato Province”.

Ang nasabing aktibidad na dinaluhan ng mga kasapi ng Federation of Senior Citizensโ€™ Association at mga โ€œstakeholdersโ€ nito ay inorganisa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ngayong Nobyembre 6-7, 2023 sa Elai Resort Hotel and Recreation Center, Kidapawan, City.

Masusing tinalakay ng mga partisipante ang mga probisyon ng panukalang pagtatag ng kauna-unahang โ€œSenior Citizen Codeโ€ ng probinsya na inihain ni Boardmember Ivy Martia Lei C. Dalumpines-Ballitoc sa Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato bilang Chairperson ng Committee on Gender and Development, Family Affairs and Social Services.

Layunin ng nabanggit na panukala na maibalik sa mga nakatatanda sa munting pamamaraan, kahit hindi man kayang tumbasan, pantayan o higitan ang kalinga, sakripisyo at pagmamahal na ipinagkaloob nito sa mga kabataan, sa kanilang pamilya, maging sa bayan bilang haligi ng lipunan.

Samantala, batid ng panukalang ito na marami nang batas na umiiral sa bansa na nagbibigay ng benepisyo at proteksyon sa mga senior citizens, ngunit kinakailangang matiyak ang epektibong implementasyon ng mga ito upang masiguro na mapapakinabangan ito ng mga nakatatandang Cotabateรฑo. Kung kaya, hangarin ng naturang panukala na bumuo ng isang โ€œlocalized version” nito.

Sa kabilang banda, pakay din ng nabanggit na โ€œcodeโ€ ang lumikha ng โ€œage-friendly societyโ€ na nangangalaga sa mga karapatan, pribilehiyo, kalusugan at pangkalahatang kapakanan ng mga senior citizens sa probinsya ng Cotabato, na ang tanging mithiin ay gawing masaya at produktibo ang mga nakatatanda habang namumuhay sa isang pamayanan na kinikilala ang kanilang kakayahan sa pag-unlad, ligtas sa ano mang pagsasamantala at kahirapan.

Buong pusong iniaalay ni Boardmember Dalumpines-Ballitoc sa mga nakatatanda ang naturang panukala sa ngalan ng adbokasiyang โ€œSerbisyong Totooโ€ ni Gov. Mendoza upang masiguro ang โ€œ๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ, ๐™ƒ๐™š๐™–๐™ก๐™ฉ๐™๐™ฎ, ๐™€๐™ข๐™ฅ๐™ค๐™ฌ๐™š๐™ง๐™š๐™™, ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™‹๐™ง๐™ค๐™™๐™ช๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™š ๐™‹๐™š๐™ง๐™จ๐™ค๐™ฃ๐™จ ๐™ž๐™ฃ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ฅ๐™ง๐™ž๐™ข๐™š ๐™ค๐™› ๐™ฉ๐™๐™š๐™ž๐™ง ๐™‡๐™ž๐™›๐™š.โ€//idcd-pgo-frigillana/photoby:pswdo