Amas, Kidapawan City- Labis na kasiyahan ang mababanaag sa mga mukha ng mga miyembro ng dalawang Adlai Farmers Association mula sa bayan ng Matalam, Cotabato matapos nilang tanggapin nitong Biyernes, Setyembre 29, 2023 ang farm inputs na nagkakahalaga ng abot sa P1,039,100 mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Ang naturang mga asosasyon na kinabibilangan ng Nagkahiusang Mag-uuma sa Taguranao (NAGMATA) ng Barangay Taguranao at Green Valley Farmers Association (GVFA) ng Barangay Pinamaton ay nakatanggap ng tig limang daang (500) kilo ng Adlai seeds, tig isang (1) unit ng Adlai thresher at tig 500 bags na organic fertilizers.
Personal na nagpaabot ng pasasalamat si GVFA President Joel Vergara at NAGMATA President Rodney Sumagaysay sa tulong na nataggap ng kanilang asosasyon mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza.
โAng amon grupo nga may ara sang 61 ka miyembro, nagapasalamat gid kay Governor Lala sa iya pagtubag sa amon panginahanglanon nga dako gid ang mabulig sa amon nga adlai farmers sang Barangay Pinamaton,” wika ni GVFA President Vergara.
“Isa gid ka dako nga grasya para sa amon ang farm inputs na gihatag sa amo karon nga adlaw sang provincial government kay makuhaan gid ang gastuhunon namon sa pagpatanom kag pagpa-ani sa amon produkto,” pahayag naman ni NAGMATA President Sumagaysay.
Isang mainit na pagbati naman ang ipinaabot ni 3rd District Boardmember Jonathan M. Tabara sa mga magsasakang benepisyaryo ng mga farm inputs at pinaalalahanan ang mga ito na palaguin ang tulong na ipinagkaloob ng pamahalaan upang makatulong rin ito sa iba pang magsasakang nangangailangan.
Ang adlai ay napapabilang din sa pamilya ng mais at palay na masustansiyang panghalili sa kanin dahil mayaman ito sa protein, dietary fiber minerals at mababa rin ang glycemic index nito.
Nasa nasabi ring distribusyon si Provincial Agriculturist Remedios Hernandez, OPAg Administrative Officer Ruel Villanueva, Adlai Provincial Coordinator Carlo Carolino, at OPAg Focal Person Ibrahim Balawag.//idcd-pgo-sotto/PhotobyLdelaCruz//