Amas, Kidapawan City โ Sa pagnanais ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza na mapadali ang implementasyon ng Cotabato Agro-Industrial Park (CAIP), nagtakda ang technical working group (TWG) ng dalawang araw na benchmarking activity sa Sta. Cruz, Davao del Sur at Panabo, Davao del Norte.
Ang CAIP ay isang 27-ektaryang agro-industrial at market integration hub na ipapatayo sa bayan ng Mlang at inaasahang makakapaghikayat ng mas marami pang mamumuhunan sa lalawigan at magbibigay-daan para sa mas masiglang ekonomiya sa Cotabato kaakibat ng inaasahang operasyon ng Central Mindanao Airport sa parehong bayan.
Unang binisita ng grupo ang local government unit (LGU) ng Sta. Cruz, sa pamamagitan ni Investment and Tourism Officer Julius Paner, upang pag-aralan ang mahahalagang hakbang at alituntunin sa pagtanggap ng ibaโt ibang mga industriya at kompanyang namumuhunan rito na maaring gawing batayan ng probinsya ng Cotabato sa gagawin nitong CAIP project. Kilala ang Sta. Cruz na tahanan ng malalaking agro-industrial, manufacturing, at processing companies, at kilala rin ito bilang Provincial Agri-Industrial Center sa Davao Region.
Samantala, binisita rin ng grupo ang Aboitiz Power Corporation (AboitizPower), isa sa mga existing industries sa bayan ng Sta. Cruz na naging matagumpay na nakapaglikha ng tinatayang 4,500 job opportunities para sa mga lokal na residente at karatig-lugar nito.
Nagsagawa rin ng espesyal na pagpupulong ang TWG kasama ang mga kinatawan mula sa Board of Investments (BOI)-Davao na sina Engr. Emerson Gerongay at BOI Consultant Engr. Joam Torre. Matatandaang nito lamang Agosto ngayong taon ay nakipagpulong rin ang pamahalaang panlalawigan sa BOI upang talakayin ang mga dokumento kailangang ihanda at hakbang na kinakailagang gawin ng probinsya para sa napipintong implementasyon ng nasabing proyekto.
Ngayong Biyernes, sa ikalawang araw ng โcross visit and researchโ ng TWG ay ang pagbisita naman ng mga ito sa Anflo Industrial Estate sa lungsod ng Panabo upang magkaroon ng mas malawak at komprehensibong pang-unawa o kaalaman ang grupo hinggil sa operasyon ng isang โindustrial projectโ at upang makita ang iba pang mga potensyal na oportunidad na dala nito para sa kaunlarang pang-agrikultura, turismo, enerhiya, at imprastraktura sa lalawigan ng Cotabato.
Ang Anflo Industrial Estate ay isang 63-hectare industrial Special Economic Zone na nakarehistro sa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority at isang primera-klaseng agro-industrial hub sa bansa.
Umaasa naman si Gov. Mendoza na magkakaroon na ng mas intensibong hakbang ang TWG upang tuluyan nang maisakatuparan ang adhikain nito para sa mga Cotabateรฑo kaugnay ng nasabing proyekto.
Pinangunahan nina Provincial Advisory Council (PAC) members Amalia J. Datukan at Eliseo Mangliwan, Project Development Associate at Managing Consultant Sam Mate kasama si Office of the Provincial Planning and Development Coordinator Jonah J. Balanag ang CAIP TWG na nagsagawa ng dalawang araw na benchmarking mula ika-28 hanggang ika-29 ng Setyembre.//idcd-pgo-gonzales//photo: EDVargas)