Amas, Kidapawan City- Higit P4.7M ang ipinamahagi nitong Setyembre 28, 2023 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamumuno ni Secretary Rex Gatchalian, kaagapay si Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr sa 315 na mga “micro rice retailers” sa lalawigan ng Cotabato.
Ang naturang bilang ay nagmula sa: Alamada, na may 5 benepisyaryo; Aleosan, 8; Antipas, 18; Arakan, 9; Banisilan, 9; Carmen, 25; Kabacan, 25; Libungan, 12; Magpet, 25; Makilala, 21; Matalam, 10; Midsayap, 43; Mlang, 23; Pigcawayan, 11; Pikit, 16; President Roxas, 14; Tulunan, 18 at Kidapawan City na may 23 na benepisyaryo.
Ang P15,000.00 na tulong-pinansyal ay ibinigay sa mga nabanggit na โmicro rice retailersโ bilang pagtalima sa ipinag-uutos ng Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na naglalayong ipatupad ang “Imposition of mandated price ceilings on rice”.
Layunin ng nasabing kautusan na mapigilan ang patuloy na pagtaas ng bigas sa merkado at mabigyan ng proteksyon ang mga rice retailers laban sa posibleng pananamantala ng ilang mga rice traders.
Sa pagtutulungan ng Department of Trade and Industry (DTI ) na siyang nagsasagawa ng โverificationโ at ng DSWD para sa โprofiling at โinterviewโ ng mga kwalipikadong benepisyaryo nito, naging tuloy-tuloy ang pag-organisa ng DSWD-12 Sustainable Livelihood Program (SLP), katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ng โEconomic Relief Subsidy (ERS) o Cash Assistance for Micro Rice Retailers Payout,โ upang makamit ang hangarin ng DSWD-SLP na โSulong ng Kabuhayan, tungo sa Pagyabong!โ
Ngayong Huwebes, ika-28 ng Setyembre 2023 idinaos ang โ2nd batch pay-out activityโ sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City, kung saan dumalo bilang kinatawan ni Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza si Boardmember Joemar S. Cerebo kasama sina dating Boardmembers at kasalukuyang miyembro ng Provincial Advisory Council (PAC) Rosalie H. Cabaya at Albert Rivera.
Dito, ipinaabot ng tatlong opisyal ang kagalakan ni Gov. Mendoza dahil sa pagdami ng bilang ng mga Cotabateรฑong tumatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan, kumpara nitong ika-13 ng Setyembre na umabot lamang sa 60 na โmicro rice retailersโ ang napabilang para sa unang โpay-out activityโ nito.
Binigyang diin din ng mga ito na ang halagang tinanggap ng mga benepisyaryo ay patunay lamang ng isang may malasakit na paglilingkod at serbisyong totoo ng ating gobyerno.
Sa ginawang “ambush interview” naman ng DSWD-12, sa mga benepisyaryo na parte ng kanilang maiksing programa, buong-pusong pinasalamatan nina May Elaine R. Zamoras-Tamayo ng Kidapawan City, Nonilon B. Tocao, Jr. ng Banisilan , Jenny G. Vasquez ng Magpet at Marcela Arangote ng Mlang si Pangulong Marcos Jr. sa kanyang naging inisyatibo na magbibigay ginhawa sa kanila sa kabila ng epektong dulot ng โrice price cap”.
Malugod din nilang kinilala ang walang-humpay na pagsisikap ni Gov. Mendoza, maging ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos sa patuloy na pakikipag-ugnayan nito sa mga kinauukulan na siyang naging dahilan ng agarang pag-abot ng tulong sa kanila.
Ang nabanggit na aktibidad ay itinaguyod ng mga kawani ng DSWD-12 na pinangunahan nina SLP Regional Project Coordinator Edgar Guerra at Cotabato SLP Provincial Coordinator Ramil S. Tamama, kasama ang โSerbisyong Totooโ team mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).//idcd-pgo-frigillana/photoby:HGCatalan