Amas, Kidapawan City- Regional Development Council 12 Chairperson Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza binati at pinasalamatan ang lahat ng mga opisyal at stakeholders ng konseho na nakiisa sa ginanap na RDC week opening program ngayong araw ng Huwebes sa South Cotabato Gymnasium and Cultural Center, Koronadal City.
Sa mensahe ng gobernadora kanyang binigyan diin na ang naturang pagtitipon ay isang mahalagang pagkakataon para maipamalas ng mga kasapi ng RDC -12 ang tunay na diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan bilang isang pamilya ng rehiyon dose na may layuning makamit ang malawakang kaunlaran sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN.
Umaasa din si Governor Mendoza na sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito ay mas lalo pang maging matibay ang pakikipag-ugnayan ng mga kalahok at sama-sama na maisakatuparan ang mga proyektong makakabuti sa buhay ng mga mamamayan para sa patuloy na pag-usbong at pag-unlad ng mga komunidad sa rehiyon.
Kabilang sa mga tampok na aktibidad sa nasabing pagdiriwang ay ang mascot competition, cheerzumba, upgraded sack race, mario went to town, amazing grace, quiz bowl, ball games at marami pang iba.
Ang naturang okasyon na may temang “Socio-economic transformation road to prosperous, inclusive and resilient SOCCSKSARGEN,” ay dinaluhan ng mga opisyal, miyembro at kinatawan mula sa ibaโt ibang probinsya.//idcd-pgo/dalumpines//Photo by:SMNanini