Amas, Kidapawan City – Bilang bahagi ng adhikain ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza na panatilihing maganda at matibay ang relasyon ng bawat miyembro ng pamilyang Cotabateรฑo, nagsagawa ng Getting Along You and Me (GAYM) Orientation ang pamahalaang panlalawigan ngayong araw sa Agriculture High School at Salunayan High School na pawang nasa bayan ng Midsayap, Cotabato.
Ito ay pinangasiwaan ng Provincial Governor’s Office- Population, Gender and Development Division (PopGAD) kung saan nasa 100 na mga estudyante mula Grade 9 at 10 kasama ang 100 na mga magulang nito ang nakiisa at nakibahagi sa mga lectures ng PopGAD.
Kabilang sa mga tinalakay sa nasabing oryentasyon ay introduction to adolescence, rediscovering the journey to adolescence, communicating with my adolescent (parents), living effectively with my adolescent, at iba pang topiko na may kinalaman sa relasyon ng isang magulang sa mga anak nitong nasa lebel na ng adolescence.
Nagpaabot naman ng pasasalamat sa pamunuan ni Governor Mendoza ang mga school heads na sina Jossette C. Cornelio ng Agriculture HS at Lito Garin ng Salunayan HS dahil sa pagkakapili ng kanilang paaralan na maging benepisyaryo ng naturang programa.
Dagdag pa nito na ang nasabing inisyatibo ay makakatulong sa mga magulang at estudyante na mas maintindihan ang responsibilidad at tungkulin nito bilang mga magulang at anak sa kanilang mga tahanan at maresolba kung mayroon man itong pinagdadaanang suliranin sa kani-kanilang pamilya.
Nasa nasabing aktibidad din ang mga representante mula sa Department of Education- Cotabato Division at iba pang kawani ng mga nabanggit na paaralan.//idcd-pgo-mombay/PhotobyPopGAD//