Amas, Kidapawan City- Nagpalitan ng matamis na “I do” ang tatlumpu’t tatlong (33) magkapareha mula sa tatlong barangay sa bayan ng Arakan.
Ito ay matapos magsagawa ng kasalan sa barangay ang lokal na pamahalaan ng Arakan, Cotabato partikular na sa Brgy. Sto. Niรฑo nitong Setyembre 14, Napalico nitong Setyembre 20 at Lanao Kuran naman nitong Setyembre 22, 2023 na itinaon sa pagdiriwang ng kanilang mga kapistahan.
Ang seremonya ng pag-iisang dibdib ay pinangunahan ni Arakan Municipal Mayor Jeam Villasor na nagpasalamat din sa suportang ipinaabot ng tanggapan ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza sa pamamagitan ng Population and Gender Development Division (PGO-POPGAD) na nagbigay ng pre-marriage orientation at tig P1,000 regalo mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Ang pagtiyak na ang bawat pamilyang Cotabateรฑo ay buo at nabibigyan ng magandang kinabukasan ay isa sa mga prayoridad na programang isinusulong ni Governor Mendoza na naniniwalang malaki ang kontribusyon ng bawat pamilya sa pag-unlad ng isang komunidad.
Nagpasalamat naman sina Sto. Niรฑo. Barangay Captain Godofredo Toring, Napalico Brgy. Captain Sheila Discaya at Lanao Kuran Brgy. Captain Edgar Cabrera sa napakagandang regalo ng kasal na ipinagkaloob ng probinsya at lokal na pamahalaan sa kanilang nasasakupan.
Nasa naturang pagtitipon bilang kinatawan ni Governor Mendoza si Provincial Councilors League President at Ex-officio Boardmember Rene Rubino.//idcd-pgo-sotto/PhotobyPOPGAD//