๐“๐š๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ง๐๐จ๐ฐ๐ง๐ž๐ซ ๐ง๐  ๐‚๐Œ๐€ ๐š๐œ๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐ซ๐จ๐š๐ ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œโ€™๐ฅ๐š๐ง๐ , ๐ง๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐ญ๐ฌ๐ž๐ค๐ž ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง

Amas, Kidapawan City โ€“ Sa hangaring maging fully operational na ang Central Mindanao Airport (CMA) sa bayan ng Mโ€™lang Cotabato, ipinamahagi ngayong araw ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa tatlong may-ari ng lupa ang tsekeng nagkakahalaga ng P1,004,540.

Ang nasabing tseke ay kabayaran para sa 11,698 square meters na lupang pag-aari ng mga Sorongon sa Barangay Langkong, M’lang, Cotabato na magsisilbing access road ng paliparan na kabilang sa mga improvement na nais ipatupad ng Department of Transportation (DOTr).

Kung matatandaan katuwang ni Governor Mendoza si 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos sa pakikipag-ugnayan sa ibaโ€™t ibang ahensya ng pamahalaan upang tuluyan ng mabigyang katuparan ang matagal ng pinapangarap ng bawat Cotabateรฑo, ang pagtatapos ng CMA na malaki ang maitutulong sa turismo at ekonomiya ng lalawigan.

Isinagawa ang releasing of checks sa Provincial Treasurer’s Office (PTO), Capitol Building, Amas, Kidapawan City na pinangunahan ng Office of the Provincial Planning and Development Coordinator (OPPDC).//idcd-pgo-catalan//