Amas, Kidapawan City| Sa pagnanais ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza na isulong ang kalusugang pangkalahatan ng mamamayan, pinaiigting ng pamahalaang panlalawigan ang mga programa nito na may kinalaman sa pangangalaga ng kalusugan simula sa pinakabata hanggang sa mga nakatatanda.
Bahagi ng programang ito ay ang Sight Saving Month Celebration activity na magkatuwang na isinagawa ngayong araw ng probinsya sa pamamagitan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa pamumuno ni Dr. Eva C. Rabaya, at ng lokal na pamahalaan ng Midsayap sa ilalim ng liderato ni Mayor Rolando โRollyโ Sacdalan kasama ang Rural Health Unit (RHU) nito.
Batay sa impormasyon mula kay Ms. Rowena O. Villaoscarez, Provincial Coordinator for Prevention of Blindness Program ng IPHO, kasabay sa ginanap na pagdiriwang ay ang distribusyon ng libreng correctional eyeglasses sa 80 na mga mag-aaral mula sa ibaโt ibang mababang paaralan sa bayan. Bago pa man ang naturang aktibidad, ay nagsagawa na ng pre-screening sa mga benepisyaryo sa pakikipagtulungan sa Department of Education (DepEd).
Nagsagawa rin ng information advocacy hinggil sa wastong pamamaraan upang alagaan ang mata sa tulong ni Dr. Emelyn Ma, isang espesyalista sa mata, kung saan aktibong nakilahok hindi lang ang mga bata, kundi pati na rin ang mga magulang, guro, at iba pang dumalo sa aktibidad na isinagawa sa Midsayap Municipal Gymnasium.
Bumisita rin sina Boardmembers Sittie Eljorie Antao-Balisi at Ivy Martia Lei Dalumpines-Ballitoc, PGO-Executive Assistant Jessie Enid, bilang mga kinatawan ni Governor Mendoza. Naroon din si Midsayap Municipal Health Officer Rowelle H. Repollo, kasama ang mga representante mula sa Department of Health, IPHO, RHU, at DepEd.//idcd-pgo-gonzales/photoby:IPHO, TBandali/