Amas,Kidapawan City| Agosto 1,2023- Masayang sinalubong ni Governor Emmylou โLalaโ Taliลo Mendoza ang mga maybahay at nanay ng ilang alkalde kasama ang maybahay ng bise gobernador ng lalawigan at iba pang kaibigan na bumisita sa kanyang tanggapan nitong Lunes, Hulyo 31, 2023.
Kabilang sa mga naging bisita nito ang kabiyak ng bise gobernador na si Mae Leoncito Piรฑol, Magpet 1st Lady Marie Chris Gonzaga, Aleosan First Lady Imee Cabaya, Makilala 1st Lady Conchita Quibod, Antipas 1st Lady Melody Cadungon, President Roxas First Lady Kristy Mahimpit, Kidapawan City First Lady Atty. Anj Evangelista, Mโlang First Lady Elnie Abonado, First Mother Estrella Sacdalan at kasintahan ni Midsayap Mayor Rolly Sacdalan na si Kristel Bautista.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga ito, nagagalak ang ina ng lalawigan dahil nakikita niya ang katatagan at malaking kontribusyon ng mga Unang Ginang lalo na sa pagkamit ng kaunlaran at kapayapaan na tinatamasa ng bayang pinamumunuan ng kanilang mga asawa.
Ayon pa sa gobernadora, mahalaga ang papel ng mga ito lalo na sa pagpapanatiling balanse ng buhay ng kanilang mga kabiyak na itinuturing na haligi at ama hindi lamang ng kanilang pamilya kundi ng buong nasasakupan nito.
Nasa nasabi ring pagbisita ang mga babaeng alkalde mula sa bayan ng Libungan na si Mayor Angel Rose L. Cuan at Kabacan Mayor Evangeline P. Guzman na nagbigay din ng inspirasyon sa kanilang kapwa kababaihan.
Bilang isang lider, ina at asawa, umaasa si Governor Mendoza, na patuloy na magiging inspirasyon ang mga kababaihang ito hindi lamang sa kanilang pamilya kundi sa mamamayan na kanilang pinaglilingkuran.
Ang naturang pagtitipon ay inilaan din ng butihing Gobernadora upang mas kilalanin pa at bigyan ng parangal ang mga natatanging tungkulin ng mga unang ginang sa kanilang mga kabiyak sa buhay.
Ilan din sa bumisita sa tanggapan ni Mendoza ang mga kaibigan nitong sina Hilda Sandique, Dr. Alma Banawis, Katrina Catamco at Marion Torres. //idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//