Amas, Kidapawan City| Hulyo 24, 2023- Masayang-masaya ang mga batang atleta na nagwagi sa SOCCKSKSARGEN Regional Athletic Association (SRAA) Meet noong nakaraang Abril na ginanap sa Kidapawan City matapos itong makatanggap ng insentibo mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato na ipinamahagi ngayong araw sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City.
Sa nasabing aktibidad, isang mainit na pagbati ang ipinaabot ni Department of Education (DepEd) Cotabato Schools Division Superintendent Romelito G. Flores sa mga kabataang atleta ng lalawigan na nagsikap at nagsakripisyo makuha lamang ang inaasam nitong medalya.
Pinasalamatan din nito si Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliลo Mendoza sa pag aproba na mabigyan ng insentibo hindi lamang ang mga bata kundi pati na rin ang mga coaches.
Abot sa P904,000 ang inilaan ng probinsya sa ilalim ng special education fund (SEF) para sa nasabing insentibo kung saan ang mga atletang kalahok sa group and individual events na nakakuha ng gintong medalya ay nakatanggap tig P5,000 cash incentives, P3,000 naman para sa nakapag-uwi ng medalyang pilak at P2,000 para sa nakasungkit ng tansong medalya.
Ang mga coaches naman na ang mga manlalaro ay nakapag-uwi ng gold medals ay nakatanggap ng P3,000, P2,000 para sa silver medalists at P1,500 para sa bronze medalists.
Ayon Jie Angela Mikaela Talosig, 17, gold medalist para sa larong swimming na nagmula sa Southern Christian College, Midsayap, ang insentibong ibinigay sa kanila ngayon ay hindi lamang makakatulong sa kanilang gastusin para sa pagbubukas ng klase. Ito ay magsisilbi rin nilang inspirasyon na mas lalo pang pagbutihin ang kanilang performance sa mga darating pang kompetisyon.
Nagagalak naman si Chrysler T. Vasquez, football coach ng Mโlang Pilot Elementary School sa inisyatibong ito ng pamahalaang panlalawigan at DepEd dahil nabigyan ng insentibo ang mga batang ginugol ang kanilang oras sa praktis makapag-uwi lamang ng karangalan para sa lalawigan.
Kasabay ng aktibidad ay ipinamahagi rin ng Provincial Treasurerโs Office ang tig P3,000 food allowance para sa 67 manlalarong dumalo sa Pre-National Qualifying Meet na ginanap sa Tagum City nitong Hunyo.
Ang pamamahagi ng insentibo ay sinaksihan din ni Board Member Jonathan Tabara, Provincial Governorโs Office Managing Consultants for Education Gloria Mudanza, Sylvia Cabading at Alma Tuyan, Provincial Advisory Council Member Chuckie Pacifico, DepEd Cotabato Division Education Program Coordinator Lito Fernandez at Provincial Scholarship Coordinator Jayde Ferolin.//idcd-pgo-sotto//