๐ญ,๐ฏ๐ฎ๐ต ๐ต๐ผ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ป๐ถ๐๐ ๐ถ๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ก๐๐ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ, ๐๐ผ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ผ
Amas, Kidapawan City | Hulyo 13, 2023- Pagkatapos ng ilang taong paghihintay, mabibigyang katuparan na rin ang matagal nang pinapangarap ng mga residenteng naapektuhan ng serye ng pagyanig noong 2019 mula sa bayan ng Makilala, Cotabato, ang magkaroon ng permanenteng masisilungan.
Ito ay matapos pangunahan ngayong araw ng National Housing Authority (NHA) sa pangunguna ni General Manager Joeben A. Tai ang groundbreaking ceremony ng itatayong 1,329 housing units na nagkakahalaga ng higit sa P490M o P368,770 per housing unit na ginanap sa Barangay Sto. Niลo ng nabanggit na bayan.
Ang nasabing pabahay ay inaasahang matatapos sa loob ng 580 calendar days at itatayo sa 35.7 ektaryang lupa na pag-aari ng lokal na pamahalaan ng Makilala na mapapakinabangan ng 2,000 pamilyang naapektuhan ng pagyanig mula sa Barangay Malasila, Sto. Niลo, Malabuan, Indangan, Buena Vida, Buhay, Cabilao, Bato at Luayon.
๐ ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ต๐ฒ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐
Ang groundbreaking ay sinaksihan din ni Governor Emmylou โLalaโ Taliลo Mendoza na nagpahayag ng kanyang kagalakan para sa mga residenteng matagal ring naghintay at nagsakripisyo sa delubyong dulot ng lindol.
โWe are excited for this project, kay kini dili lamang makahatag ug balay sa mga naapektuhan sa linog apan maka generate pud kini ug trabaho para sa Makilaleลos.โ
Pinasalamatan din nito si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bong Go ahensya ng NHA, opisina ni 2nd District Representative Rudy Caoagdan, Office of the Civil Defense, lokal na pamahalaan ng Makilala sa liderato ni Mayor Armando M. Quibod at iba pang stakeholders na nagsumikap maisakatuparan lamang ang naturang proyekto.
Taos pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ni Analyn Aguanan, isa sa mga benepisyaryo mula sa Barangay Luayon dahil sa wakas mauumpisahan na rin ang pagpapatayo ng kanilang magiging bagong tahanan.
Masaya naman si NHA General Manager Tai dahil mabibigyan na ng ahensya ng disenteng pabahay ang mga residenteng nasalanta ng lindol sa Makilala noong 2019.
Ayon sa kanya, โIsang karangalan po ang pangunahan ang groundbreaking ng itatayong pabahay dito sa bayan ng Makilala. Batid po natin ang hirap na masalanta ng lindol mawalan ng tahanan, ari-arian at minamahal natin sa buhay. Kaya naman po, ang proyektong ito ay handog ng NHA para sa mga indibidwal na naapektuhan ng magkasunod na lindol noong 2019.โ
Inihayag din nito na inatasan niya ang contractor ng nasabing pabahay na bilis-bilisan ang konstruksyon ng proyekto upang agaran itong magamit ng mga benepisyaryo.
Naging panauhin rin sa nasabing makasaysayang okasyon si Vice Governor Efren F. Piรฑol, OCD XII Regional Director Raylindo S. Aniลon, Regional Manager Zenaida M. Cabiles, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) OIC-Assistant Regional Director Gifaril Cabalquinto, OPUSLAND Inc. President Ramon Valdez, Boardmember Ryl John Caoagdan, Pigcawayan Mayor Juanito Agustin, 39IB Battalion Commander Ezra Balagtey, Makilala Chief of Police PLTCOL Britz E Sales, Municipal Vice Mayor Ryan Tabanay, Sangguniang Bayan Members, barangay officials at iba pang mahahalagang bisita.//idcd-pgo-sotto/PhotobyHGCatalan//