Amas, Kidapawan City- Naging espesyal ang pagbubukas ng Summer Kids Peace Camp (SKPC) sa bayan ng Magpet, Cotabato nitong Biyernes, Hunyo 30, 2023 matapos itong personal na saksihan ni Senador Ronald โBatoโ dela Rosa kasama si Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliลo Mendoza.
Sa naging mensahe ng senador, masaya siya dahil nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng pagbubukas ng SKPC sa bayan ng Magpet na ayon sa kanya ay nagbigay ng oportunidad sa libo-libong batang Magpeteลo na maging kabahagi sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa kani-kanilang komunidad.
Hinikayat niya rin ang mga batang partisipante na iwasan ang masamang bisyo lalo na ang ilegal na droga na maaaring maging dahilan upang masira ang kanilang kinabukasan.
Pinasalamatan naman ni Governor Emmylou โLalaโ Taliลo Mendoza ang pagbisita ni Senador dela Rosa sa probinsya ng Cotabato at sa pagbibigay nito ng inspirasyon hindi lamang sa mga estudyanteng nagtapos ng kolehiyo sa University of Southern Mindanao kundi pati na rin sa mga batang campers sa bayan ng Magpet.
Nagpaabot rin ito ng pagsaludo sa mga guro sa pangunguna ni Department of Education, Cotabato Schools Division Superintendent Romelito G. Flores sa dedikasyon at sakripisyo ng mga ito maging matagumpay lamang ang nasabing aktibidad.
Taos pusong pasasalamat din ang ipinaabot ng ina ng lalawigan sa lokal na pamahalaan ng Magpet sa pangunguna ni Magpet Municipal Mayor Jay Laurence Gonzaga at Vice Mayor Florenito Gonzaga sa suporta nito sa muling pagbabalik ng SKPC.
Ang SKPC sa bayan ay nilahukan ng abot sa 1,300 campers na masayang magsasama-sama sa loob ng tatlong araw at matututo ng ibaโt ibang kasanayan hinggil sa pagkilala sa kanilang sarili, disaster preparedness, childโs rights, leadership skills at iba pang kasanayan.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Human Resource and Management Office (PHRMO) katuwang ang Bureau of Fire Protection, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police (PNP) at iba pang stakeholders.
Aktibo ring nakilahok sa aktibidad si Matalam Vice Mayor Ralph Ryan Rafael, Magpet Municipal Councilors at iba pang imbitadong bisita.//idcd-pgo-sotto/Photoby SMNanini&WMSamillano/