Amas, Kidapawan City| Hunyo 22, 2023- Madaling araw pa lang ay todo kayod na sa pamamahagi ng relief assistance ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa mga residenteng binaha sa Plang Village II, Barangay Poblacion, Kabacan Cotabato.
Bitbit ang mga non-food items at pangunahing pangangailangan, gaya ng kumot (450 pcs), trapal (450 pcs), water jugs (450 pcs), banig (450 pcs), at 5 liters mineral water (50 bottles) matiyagang ipinamahagi ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang nasabing relief items sa 450 na pamilya mula sa Plang Village II na naapektuhan ng pagbaha dahil sa sunod-sunod na pag-ulan na dulot ng intertropical convergence zone (ITCZ).
Naging katuwang din ng lalawigan sa distribusyon ang lokal na pamahalaan ng Kabacan sa pangunguna ni Municipal Mayor Evangeline P. Guzman at Vice Mayor Herlo P. Guzman na โhands onโ sa pamamahagi ng nabanggit na mga ayuda.
Sa kanyang mensahe, labis ang pasasalamat ni Poblacion Barangay Chairman Edna S. Macaya sa tulong na ipinaabot ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza sa maagap nitong pagtugon sa pangangailangan ng apektadong mga residente.
Bago pa man ang distribusyon, ay nagpadala rin ng responders at rubber boats ang pamahalaang panlalawigan na tumulong sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan sa pagsagip ng mga indibidwal na na-trap dahil sa baha.
Kahapon ay nauna ng nakapamahagi ng food packs ang Department of Social Welfare and Development Field Office XII kung saan labis na pinasalamatan ni Governor Mendoza si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr, DSWD Secretary Rex Gatchalian at Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr. sa pagtugon ng mga ito sa pangangailangan ng mga nasalantang Cotabateรฑo.
Nanawagan ngayon ang ina ng lalawigan, lalo na sa mga lugar na binabaha at landslide prone areas na patuloy na maging alerto at agarang lumikas kung saka-sakaling tumaas ang tubig sa kanilang mga lugar.//idcd-pgo-sotto//