๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ- Kasiyahan ang hatid ng pagbisita ni Senator Cristopher Lawrence “Bong” Go sa mga batang Matalameรฑos na kalahok sa dalawang araw na sports clinic sa bayan ng Matalam na pormal nitong Sabado Hunyo 17, 2023.
Namigay ito ng tig pitong bola sa 34 na barangay ng bayan, jollibee food packs sa 901 na partisipante at ilan pang mga sorpresa na labis na ikinatuwa ng mga batang kalahok.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Go si Governor Emmylou โLalaโ Talino Mendoza sa pag imbita nito sa kanya na maging parte sa isa sa mga sports initiative program ng pamahalaang panlalawigan upang mailayo sa masamang bisyo at droga ang mga kabataang Cotabateรฑo.
Inihayag din nito na ang kanyang tanggapan ay bukas na tumulong sa mga sangguniang kabataan (SK) officials na nais magsagawa ng mga grassroot sports program na makakatulong sa paghubog ng talento ng kabataan sa larangan ng sports.
Pinaalalahanan din nito ang mga partisipante na mag-aral nang mabuti at iwasan ang ilegal na droga dahil sila ang kinabukasan ng bansang Pilipinas.
Nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat si Governor Mendoza kay Senador Go sa pagbisita nito sa bayan ng Matalam at sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga batang kalahok sa aktibidad.
Pinasalamatan din niya si Matalam Municipal Mayor Oscar M. Valdevieso kasama si Vice Mayor Ralph Ryan Rafael at miyembro ng Sangguniang Bayan ng Matalam sa suporta ng mga ito sa programang pangkabataan ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Nakiisa rin sa aktibidad ngayong araw si Boardmembers Sittie Eljorie Antao-Balisi, Jonathan Tabara, Ivy Dalumpines-Ballitoc, Joemar Cerebo, DSWD Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr., at iba pang naimbitahang bisita.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//