๐๐ฆ๐๐ฌ,๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| ๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐- โ๐๐ข๐จ๐ข๐ฑ๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ต ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช ๐ด๐ข ๐ข๐ฃ๐ข๐ค๐ข ๐ด๐ต๐ณ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ค๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฆ ๐ฏ๐จ๐ข ๐จ๐ช๐ฉ๐ข๐ต๐ข๐จ ๐ด๐ข ๐ข๐ฎ๐ฐ๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ท๐ช๐ฏ๐ค๐ช๐ข๐ญ ๐จ๐ฐ๐ท๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ถ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ฐ๐ท๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ฐ๐ณ ๐๐ข๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐จ๐ช๐ฅ ๐ช๐ฏ๐ช ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ถ๐ญ๐ช๐จ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฑ๐ข๐ด๐ฑ๐ข๐ด ๐ฏ๐จ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ด๐ฆ๐ด๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฎ๐ฐ๐ฏ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ฅ๐ถ๐ฌ๐ต๐ฐ ๐ฌ๐ข๐จ ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ด ๐ต๐ข๐ข๐ด ๐ฌ๐ข๐จ ๐ณ๐ฆ๐ด๐ฐ๐ฏ๐ข๐ฃ๐ญ๐ฆ ๐ฏ๐จ๐ข ๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ด๐บ๐ฐ.โ
Ito ang naging mensahe ni Ginoong Ernie M. Macalos presidente ng Barangay Batasan, Buhay, Biangan and Buenavida (4Bs) Abaca Association mula sa bayan ng Makilala matapos nitong tanggapin kasama ang miyembro ng asosasyon ang P230,000 na abaca stripping machine mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ngayong araw.
Hindi naman maipaliwanang ng Tahamaling, Pandanon and Tausuvan Bongolanon Abaca Association mula sa Barangay Bongolanon Magpet ang kanilang kasiyahan sa pangunguna ni Rodrigo Landas dahil sa wakas ay mayroon na silang makinaryang magagamit upang mabilis na maproseso ang kanilang produkto at matiyak na ito ay dekalidad at maibebenta sa mas mataas na presyo sa merkado.
Ang pamamahagi ng dalawang stripping machine na may kabuoang halaga na abot sa P460,000 ay isang espesyal na programa para sa IPs sa ilalim ng opisina ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza.
Upang matiyak ang kalidad ng ipinamahaging makinarya at mabigyan din ng tamang kaalaman ang mga asosasyon hinggil sa tamang paggamit at pag-aalaga nito, nagsagawa muna ng demonstration at testing ang Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) kasama ang supplier ng produkto.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni 2nd District Board Member Ryl John Caoagdan, ang kayang pagbati sa mga mapapalad na benepisyaryo at nagpaalala na gamitin ng wasto at tama ang makinaryang ibinigay ng probinsya upang makatulong ito sa paglago ng kanilang organisasyon at pamumuhay.
Nasa nasabi ring aktibidad na ginanap sa Provincial Agri Center Covered Court, Amas, Kidapawan City sina Acting Provincial Agriculturist Remedios Hernandez, IP Affairs Focal Person Lito Palma, at iba pang personahe ng OPAg.//idcd-pgo-sotto//