๐๐บ๐ฎ๐, ๐๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐- “๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ฅ ๐ซ๐๐ฌ๐ฉ๐๐๐ญ ๐จ๐ ๐ก๐ฎ๐ฆ๐๐ง ๐ซ๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐ญ๐ซ๐๐๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐จ๐ง ๐ซ๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ. ๐๐ ๐ญ๐ซ๐๐๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐จ๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ฌ, ๐ฌ๐ฎ๐๐ก ๐๐ฌ ๐ฆ๐, ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐จ๐๐ข๐๐ฅ ๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ง๐๐ซ๐ฌ.”
Ito ang buod ng naging mensahe ni House of Representatives of the Philippines Deputy Speaker & Trade Union Congress of the Philippines Partylist Congressman Raymond Mendoza sa 111th International Labour Conference (ILC) na kasalukuyang ginaganap sa Geneva, Switzerland.
Ayon sa kongresista kailangang pagtibayin ng pamahalaan ang roadmap for freedom of association at iprayoridad ang pangangalaga sa karapatan at interes ng manggagawang Pilipino.
Suportado naman ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza ang pahayag ng kongresista kung saan nanindigan ito na kailangang tiyakin ang seguridad at kapakanan ng bawat manggagawa na itinuturing nitong pundasyon ng bawat organisasyon at maunlad na ekonomiya.
Si Gov. Mendoza ay naimbitahan bilang isa sa mga tripartite observers ng nasabing pagtitipon na sinimulan nitong Hunyo 5 at matatapos sa Hunyo 16, 2023 na dinaluhan ng abot sa 187 na miyembrong bansa ng International Labour Organization (ILO).//idcd-pgo-sotto/PhotoCredit International Labour Organization FB Page//