Amas, Kidapawan City – Matapos ang turnover ng road concreting project sa Brgy. Pangao-an, Magpet at tribal hall sa Brgy. Datu Sundungan, President Roxas, tinungo naman ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang Brgy. Kiyaab sa bayan ng Antipas upang iturnover sa mga residente dito ang bagong multipurpose warehouse.
Ito ay may halagang P1.7M mula pa rin sa 20% economic development fund ng pamahalaang panlalawigan na magagamit ng mga residente partikular na ang mga magsasaka ng nasabing barangay para sa mga agricultural equipment nito at imbakan ng mga agricultural products tulad ng palay, mais, at iba pa.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Governor Mendoza na pinaiigting ng kanyang pamunuan ang paghahanda sa paparating na El Niño Phenomenon sa Hulyo.
Pinaalalahanan din nito ang mga magsasaka na maghanda at makipagtulungan sa kinauukulan upang mabigyan ng sapat na kaalaman at maiwasan ang matinding epekto ng tagtuyot sa sektor ng agrikultura.
Kasama ni Governor Mendoza sa naturang pagtitipon sina Provincial Engineer Espiridion S. Taladro, mga opisyales ng nasabing barangay at mga kawani ng Provincial Engineer’s Office.//idcd-pgo-mombay/PhotobySMNanini//