Amas, Kidapawan City – Dagdag 376 Carmenians na benepisyaryo ng cash-for-work program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tumanggap ngayong araw ng kanilang payout kung saan tinatayang higit sa P1.3M ang pondong ginamit para sa Brgy. Ugalingan at Brgy. General Luna ng bayan ng Carmen.
Personal namang binisita ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang mga benepisyaryo at nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at DSWD XII Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr., na nagbigay-daan upang maisakatuparan ang adhikain nitong tulungan ang mga kababayang nangangailangan ng interbensyon ng pamahalaan upang mabigyan ng temporaryo at dagdag na mapagkakakitaan.
Ang nasabing aktibidad ay pinondohan sa ilalim ng KALAHI-CIDSS o Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services ng DSWD na naglaan ng abot sa P19M para sa lalawigan ng Cotabato para sa implementasyon ng nasabing programa. Para sa bayan ng Carmen, abot 2,739 na mga benepisyaryo mula sa iba pang labing-anim (16) na barangay ang tumanggap na ng payout simula noong ika-11 hanggang ika-26 ng Mayo, ngayong taon.//idcd-pgo-gonzales//Photoby: SMNanini//