๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ- Mariing kinondena ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza ang pamamaril sa dalawang guro sa bayan ng Pikit, Cotabato.
Nangyari ang insidente nitong Biyernes, Mayo 26, 2023 sa ganap na 11:30 ng umaga, kung saan ayon sa police report ng Pikit Municipal Police Station tinatahak ng dalawang guro na kinilalang sina Joel Reformado, 36 ng Damalasak Primary School at Elton John Lapined, 37 ng Mapagkaya Elementary School ang daan ng Brgy. Silik papuntang Brgy. Poblacion ng naturang bayan ng sila ay tambangan at pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga indibidwal.
Ayon sa Pikit MPS, binawian ng buhay si Reformado dahil sa dami ng natamo nitong tama ng bala sa katawan, samantalang sumasailalim naman sa operasyon si Lapined sa pagamutan.
Sa kanyang mensahe, inihayag ni Governor Mendoza ang kanyang pagkadismaya at itinuturing na karumaldumal ang pamamaril sa nasabing mga guro na ayon sa kanya ay malaki ang papel na ginagampanan sa paghubog ng kinabukasan ng bawat batang Piketeรฑo.
Inatasan niya ngayon ang mga otoridad na magsagawa ng malalimang imbestigasyon
at agarang resolbahin ang nabanggit na kaso.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang PNP sa pangunguna ni Provincial Director Harold Ramos, Pikit MPS Chief of Police PLCol John Miridel R. Calinga katuwang ang iba pang law enforcers sa area.//idcd-pgo-//