๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ- Sumailalim sa isang araw na real property tax awareness program (RPTAP) ang 115 na mga indibidwal mula sa bayan ng Arakan, Cotabato.
Kabilang sa mga naging kalahok ng nasabing oryentasyon ang mga barangay officials at Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) beneficiaries mula sa nasabing bayan.
Ang aktibidad ay naglalayong mabigyan ng tama at komprehensibong impormasyon ang mga kalahok hinggil sa real property tax at iba pang mahahalagang kaalaman hinggil sa pagbubuwis o taxation.
Ang RPTAP ay isa sa mga inisyatibong programa ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza na makakatulong upang mapataas ang tax revenue ng lalawigan na siyang ginagamit ng pamahalaan sa pagtatatayo ng mga proyektong pang imprastraktura at pagbibigay ng iba’t ibang serbisyong kinakailangan ng mga mamamayan.
Nagpasalamat naman si Arakan Mayor Jeam D. Villasor sa inisyatibong ito ng probinsya na ayon sa kanya ay importante upang mas lalo pang maintindihan ng mga nasa barangay ang kahalagahan ng pagbabayad ng tamang buwis.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Assessors Office (PASSO) at Provincial Treasurer’s (PTO) na isinagawa sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan.//idcd-pgo-sotto/PhotobyPASSO//