๐ˆ๐๐‡๐Ž ๐ง๐š๐ ๐›๐ข๐ ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐ฅ๐ข๐›๐ซ๐ž๐ง๐  ๐ค๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š ๐š๐ญ ๐ ๐š๐ฆ๐จ๐ญ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ข๐ง๐๐ข๐›๐ข๐๐ฐ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ฎ๐ฆ๐š๐๐š๐ง๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ฉ๐ซ๐จ๐›๐ฅ๐ž๐ฆ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐š๐ง

๐€๐ฆ๐š๐ฌ, ๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ- Patuloy na nagsasagawa ng mental health check-up at pamamahagi ng libreng gamot para sa mga indibidwal na dumaranas ng problemang pangkaisipan ang Integrated Provincial Health Office o IPHO.

Nitong araw ng Huwebes, Mayo 25, abot sa 23 indibidwal mula sa bayan ng President Roxas ang nabigyan ng libreng serbisyo. Samantalang, ngayong araw ay tinungo naman ng IPHO ang bayan ng Makilala upang matulungan ang 40 mga pasyente sa nabanggit na bayan.

Kasama sa nasabing aktibidad ang mga eksperto sa problemang mental na kinabibilangan ng psychiatrist, psychometrician, nurse at physical therapist.

Para sa taong 2023, naglaan ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza ng pondong higit sa P11M para sa mental health programs ng lalawigan bilang tugon sa pangangailangan ng mga Cotabateรฑong may problema sa pag-iisip ngunit walang kakayahan magpagamot.

Naniniwala ang gobernadora na ang pagpapanatili ng kalusugang mental at emosyonal ng isang tao ay mahalaga upang ito ay maging produktibo sa buhay.

Ang libreng mental health check up ay isang regular na programa ng pamahalaang panlalawigan na isinasagawa sa apat na munisipyo kada buwan. //idcd-pgo-sotto/PhotobyIPHO//